Article Inside Page
Showbiz News
Idinaos ang press conference ng upcoming GMA Telebabad series na 'Beautiful Strangers' kahapon, July 28 sa GMA Network Center Annex.
By MARAH RUIZ
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Idinaos ang press conference ng upcoming GMA Telebabad series na
Beautiful Strangers kahapon, July 28 sa GMA Network Center Annex.
Matapos ang hapunan, inawit nina Aicelle Santos at Maricris Garcia ang 'Nasaan?' na siyang magiging theme song ng serye.
Matapos nito, rumampa ang naman ang cast para batiin ang mga media na dumating. Pinganuhan ito ni Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Ayen Munji-Laurel, Lovely Rivero, Kier Legaspi, Gab de Leon, Renz Valerio, Dianne Medina, Djanin Cruz at Nar Cabico.
At siyempre, hindi mawawala ang dalawang bidang sina Heart Evangelista at Lovi Poe.
Umakyat din sa entablado ang direktor ng seryeng si Albert Langitan para magbigay ng isang maikling mensahe.
"Napakasuwerte ko kasi naibigay sa 'kin 'yung proyekto na ito. Nabigyan ako ng oportunidad na mai-direk 'yung ganito kagaling na mga artista. Maraming salamat po sa inyo," pahayag nito.
Panoorin ang Beautiful Strangers, magisisimula na sa August 10 sa GMA Telebabad.