What's Hot

Marian Rivera at Aiai Delas Alas, 'no dull moment' sa set ng 'Sunday PinaSaya'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 6:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



May isa ring espesyal na rason kung bakit excited ang Primetime Queen sa bago nilang show. Ano kaya ito?
By BEA RODRIGUEZ
 
 

Alin alin alin ang naiba ... ??Echos lang hahaha... ( KAMBAL MODE)

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on


Nagsimula nang mag-taping si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang kanyang matalik na kaibigan na si Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas para sa kanilang bagong show tuwing Linggo, ang Sunday PinaSaya.
 
READ: Marian Rivera looks stunning in Sunday PinaSaya pictorial 
 
Masayang-masaya sila na makatrabaho ang isa’t isa kasama ang Eat Bulaga Dabarkads na sina Jose Manalo at Wally Bayola.
 
“Magpapasaya kami ng mga tao. Magbibigay kami ng magandang Sunday sa kanila na malilibang sila. Siyempre hindi mauubusan ng tawanan, ang papremyo, so buo na ibibigay namin sa kanila,” saad ni Marian sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras Weekend.
 
FIRST LOOK: Kilalanin ang mga host ng 'Sunday PinaSaya' 
 
Excited na ang Primetime Queen na ibahagi ang kanyang bagong show sa mga manunuod simula ng ika-siyam ng Agosto pero mas natutuwa raw siya na kasama niya si “Little Marian” para ihandog ito sa mga tao.
 
READ: Marian Rivera’s journey to a healthy delivery 
 
Maayos ang pagbubuntis ng soon-to-be mom kaya hindi siya nababahalang sumabak sa bagong pasabog ng GMA-7. Nararamdaman niya na umano ang kanyang anak, “Malikot, malikot! Sabi ko nga may mga araw na hindi ako masyado makatulog kasi ang likot talaga. Pero nakakatuwa na nararamdaman ko siya na ganun siya kalikot.”