What's Hot

Aiai Delas Alas, dadalhin si Jiro Manio sa Japan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2020 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang pakay ni Aiai? Alamin ang buong kuwento. 
By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Ibinalita ni Aiai Delas Alas ang bago niyang misyon para sa kanyang anak anakan na si Jiro Manio.
 
READ: Aiai Delas Alas, ibinalitang nasa wellness facility si Jiro Manio
 
Bukod sa pagtulong ni Aiai na madala si Jiro sa isang wellness facility, dadalhin din umano niya ang batang aktor sa Japan para tuparin ang pangarap nitong makilala ang kanyang tunay na ama.
 
Kuwento ni Aiai sa Startalk, ito ay dahil nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ng aktor. Aniya, "Kasi 'di ba adopted ako? So dati nung hindi ko pa alam kung sino ang nanay ko o sino tatay ko noong maliit ako, hindi nawawala 'yung feeling na hindi ko maintindihan bakit hanap ako ng hanap ng kung ano-ano."
 
Dagdag ni Aiai, "Natapos na 'yung emosyon kong ganon. And I think, 'yun 'yung gusto kong maintindihan ni Jiro kaya dadalin ko siya sa Japan."

LOOK: Then and Now: Jiro Manio