Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Pagtanggap ni Ina Raymundo sa 'Marimar,' may malaking kapalit

Updated On: March 15, 2020, 12:42 AM
Ano kaya ang isinakripisyo ni Ina? 
By MICHELLE CALIGAN
 
Hindi raw naging madali ang pagtanggap ni Ina Raymundo sa role niya bilang Brenda Aldama sa upcoming Telebabad series na Marimar.
 
 
"Dapat pupunta ako sa China kasi 'yung anak kong lalake, 'yung unico hijo ko, mayroon siyang baseball tournament sa China. Naka-set na, mayroon na akong plane ticket papuntang China para manood ng tournament, tapos in-offer sa akin 'tong Marimar," kuwento ni Ina, who currently graces the cover of Baby Magazine with daughter Minka.
 
Hindi raw niya matanggihan ang bagong project kaya ipinaalam niya agad ito sa kanyang asawa at anak.
 
"Una kong tinawagan [ang husband ko], 'Honey, will you allow me to work? But the thing is I won't be able to go to China with you.' Sabi niya, 'You know what, if it means a lot to you, do it.' Talagang nagulat ako, ini-expect ko na sasabihin niya, 'No, next time.' Pero pinayagan niya ako. I have the most understanding husband. Tapos tinanong ko rin 'yung anak kong lalake. 'Okay lang ba na I won't be there?' Pero kapag pumasok sila sa finals, makakahabol ako."
 
Kahapon ay nag-post si Ina sa kanyang Instagram ng photo kasama ang kanyang anak na kauuwi lamang galing China. His baseball team placed third in the tournament.
 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.