Filtered By: Showbiz News | News
Jennyln Mercado at Dennis Trillo, sumabak sa isang sexy pictorial
Published On: July 21, 2015, 10:10 AM
Updated On: February 25, 2020, 07:17 PM
Hindi maikakaila ang chemistry ng Kapuso drama king na si Dennis Trillo at FHM Sexiest Woman Jennylyn Mercado sa pictorial ng kanilang bagong teleserye, ang 'My Faithful Husband.'
By BEA RODRIGUEZ
Kitang-kita ang chemistry ng Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang sexy pictorial para sa nalalapit na teleserye, ang My Faithful Husband.
Inamin nila sa interview ni Cata Tibayan sa Balitanghali na kumportable na sila sa isa’t isa dahil sa kanilang pagkakaibigan at estilo sa trabaho.
Base kay Jen, ang pagkakaibigan nila ng aktor ang nagbibigay ng chemistry sa kanila on-screen, “[Sa] friendship nagsimula ‘yon dahil makukuha mo ‘yung chemistry dun eh [at] kung paano kayo nag-uusap.”
Pinuri naman ni Dennis ang kanyang leading lady sa kanilang pagbabalik tambalan, “[Si Jen ay] napakasarap katrabaho. Siyempre ano pa ba ang hihilingin mo? Best actress na [at] number one pa sa FHM, ‘di ba? Nandun na lahat eh kaya excited na rin ako katrabaho siya.”
Sa panayam naman ng dalawa sa Startalk pagkatapos ng kanilang pictorial, sinabi nila na masuwerte raw sila na makatrabaho ang isa’t isa.
“Siyempre napakasuwerte at alam ko marami ring ibang artista na lalaki [na] gusto siya makatrabaho pero ako ‘yung nabigyan ng chance kaya sorry na lang sila,” saad ng multi-awarded actor.
Flattered at napatawa naman ang sexy actress kaya pinuri niya rin ang kanyang My Faithful Husband leading man. Aniya, “Nakita niyo naman ang chest niya kanina nang nagpi-pictorial (laughs).”
“Masuwerte din ako dahil napakagaling na artista naman ni Dennis. Alam naman ng lahat kung gaano kagaling ‘tong artista so medyo may konting pressure kasi kailangan kong tapatan ‘yon,” seryosong sinabi ng aktres.
Trending Articles