Anne Curtis, Ogie Alcasid, Karylle at iba pang Kapamilya stars, muling mapapanood sa Kapuso channel
Pormal nang inanunsyo na mapapanood ang Kapamilya noontime variety show na 'It's Showtime' sa GTV channel simula July 1.
Makikita sa official Facebook post ng GTV ang larawan ng nasabing programa kasama ang mga host nito na mayroong caption na, “Madlang people, let's make some noise!”
Naglabas din ang ABS-CBN ng official statement sa naturang paglipat ng 'It's Showtime' sa GTV.
Samantala, alam n'yo ba dati nang napanood sa mga programa ng GMA ang ilan sa mga host ng 'It's Showtime'? Kabilang dito sina Anne Curtis, Vice Ganda, Ogie Alcasid, Karylle, at iba pa.
Alamin ang naging television appearances ng ilang Kapamilya stars na muling mapapanood sa Kapuso network.
Anne Curtis
Handa na ba kayong mapanood si Anne Curtis sa GTV? Isa si Anne sa mga original host ng Kapamilya noontime variety show na 'It's Showtime.' Isa rin siyang aktres, entrepreneur, at nanay sa kanyang anak na si Dahlia Amelie.
Kapuso shows
Sinimulan ni Anne Curtis ang kanyang TV career bilang aktres sa GMA Network. Naging bahagi ang aktres sa iba't ibang Kapuso shows gaya ng 'Ikaw Na Sana,' 'T.G.I.S,' 'Beh Bote Nga,' 'Anna Karenina' at iba pa.
Drama
Naging guest actress si Anne Curtis sa Kapuso drama series na 'Ang Iibigin Ay Ikaw' at nagbalik siya sa kanyang role bilang Rosanna Luarca sa sequel ng nasabing serye na pinamagatang 'Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin.'
Guest appearance
Nagkaroon ng guest appearance si Anne Curtis sa GMA sitcom na 'Idol Ko Si Kap' noong 2003. Ang naturang weekly program ay pinagbidahan ni Bong Revilla Jr. kasama sina Rufa Mae Quinto, Leo Martinez, Jimmy Santos, German Moreno, Jolo Revilla, Luz Valdez, Anton Aquitania, at K Brosas bilang support actors.
Host
Bago lumipat si Anne Curtis sa rival network, nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na mag-host sa 'Eat Bulaga' noong 2004.
Films
Lumipat man si Anne Curtis ng ibang network, hindi naputol ang kanyang relasyon sa GMA. Noong 2009, gumanap si Anne sa isang special role sa action-fantasy film na 'Ang Panday,' na ginawa ng GMA Films at Imus Productions.
Noong 2010, bumida si Anne sa pelikula ng GMA na 'In Your Eyes' kasama sina Claudine Barretto at Richard Gutierrez. Ang naturang pelikula ay co-produced ng Viva Films.
Vice Ganda
Isa sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz si Jose Marie Viceral, o mas kilala bilang Vice Ganda.
Talent
Alam niyo ba na minsan na ring napanood si Vice Ganda sa GMA-7? Napanood ang actor-TV host sa isang 'SOP' performance at sa show na 'Comedy Central Market,' kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa komedya.
Karylle
Mapapanood na sa GTV ang actress-singer na si Karylle Yuzon. Isa sa Kapuso shows na naging bahagi si Karylle ay ang hit telefantasya series na 'Encantadia,' kung saan gumanap siya bilang si Sang'gre Alena.
Projects
Kabilang sa mga naging TV projects ni Karylle noon sa GMA ay ang 'Twin Hearts,' 'Etheria,' 'Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas,' 'Magic Kamison' at marami pang iba.
Ogie Alcasid
Isa sa mga tanyag na personalidad sa entertainment industry ang singer na si Ogie Alcasid. Isa siya sa pioneer ng longest-running gag show na 'Bubble Gang.'
Shows
Naging mainstay si Ogie ng Sunday musical show na 'SOP.' Napanood din ang renowned artist sa 'Da Big Show,' 'Pare & Pare,' 'Hole in the Wall,' at 'Pinoy Idol.'
Teddy Corpuz
Bukod sa pagiging musician, kilala rin ang Rocksteddy lead vocalist na si Teddy Corpuz bilang TV host.
Acting
Nasilayan ng mga manonood ang acting skills ni Teddy nang mapanood siya sa GMA fantaserye na 'Sugo,' na pinagbidahan ni Richard Gutierrez. Napanood din si Teddy sa sitcom na 'Idol Ko Si Kap.'
Acting
Naging bahagi si Jhong ng Kapuso drama series na 'Rio del Mar,' kung saan nakasama niya sina Ice Seguerra, Michael De Mesa, Celia Rodriguez at marami pang iba.
Amy Perez
Bukod sa pagiging television host, nasilayan din ng mga manonood ang galing ni Amy Perez sa pag-arte.