Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
It's official!
Muli nang mapapanood ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa isang serye matapos ang apat na taon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama-sama ang star-studded cast ng bagong serye, na pagbibidahan ng batikang aktres, sa naganap na story conference nitong Martes (June 6).
Sa interview ng GMANetwork.com kay Marian, ibinahagi ng aktres na halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik primetime.
“Mixed emotions ako, e kasi after four years magbabalik ako sa primetime. So medyo mangangapa ako sa lahat ng mga gagawin ko rito sa taping,” pagbabahagi niya.
Pagbibidahan nina Marian at Gabby Concepcion kasama si Max Collins ang naturang serye.
Kabilang din sa stellar cast sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray with Marissa Delgado.
Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago para sa '24 Oras, ibinahagi ni Marian ang kanyang excitement na makatrabaho ang mga dating nakasama at bago niyang makakasama sa serye.
Aniya, “Very excited and then 'yung casting, kaunti lang 'yung nakatrabaho ko before. Siguro dahil sa four years akong hindi nagtrabaho. So ang daming mukha na bago para sa'kin.”
“Looking forward ako na makatrabaho sila,” dagdag pa niya.
Kapuso Primetime Queen
Mapapanood na muli ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa GMA Telebabad. Sa interview ng GMANetwork.com kay Marian, ibinahagi niya na halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik primetime.
Aniya, “Mixed emotions ako, e kasi after four years magbabalik ako sa primetime. So medyo mangangapa ako sa lahat ng mga gagawin ko rito sa taping.”
Marian Rivera and Gabby Concepcion
Hindi lamang ito pagbabalik primetime ni Marian Rivera dahil matutuloy na rin sa serye ang pagtatambal nila ni Gabby Concepcion. Kuwento ni Marian Rivera kay Lhar Santiago ng '24 Oras,' “'Yun nga agad 'yung bungad niya sa akin. 'Ito ha, totoo na 'to ha.' So inaasar na niya [ako]. Sabi ko, 'Totoo na talaga.' Ito na, game na.”
Excitement
Makakasama nina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Max Collins sa serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray with Marissa Delgado.
Gabby Concepcion
Gaya ni Marian Rivera, excited na rin si Gabby Concepcion na makatrabaho ang iba pang cast ng bagong serye.
“I get excited kapag nalaman kong mayroon akong makakatrabahong mga bago sa GMA because it's unknown. 'Yun 'yung maganda e, 'yung mystery so bago mga kasama mo, mami-meet mo, makakatrabaho mo. It's exciting to be with all of them,” pagbabahagi niya.
Max Collins
Kabilang sa cast ng bagong serye ang Sparkle actress na si Max Collins. Ayon kay Max, kakaiba ang proyektong ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siyang kontrabida.
“Iba ito from anything I've done before because this is going to be my first time playing a kontrabida sa teleserye and it's something that I'm looking forward to because challenging siya for me and at the same time fun because it's nice to not cry all the time. So it's going to be a little lighter for me on that aspect,” pagbabahagi niya sa GMANetwork.com
Raphael Landicho
Isa sa cast members ng exciting project ni Marian Rivera ang Kapuso child actor na si Raphael Landicho.
Caitlyn Stave
Mapapanood ang Sparkle star na si Caitlyn Stave sa bagong seryeng ito. Ayon kay Caitlyn, siya ay naging emosyonal nang malamang bahagi siya ng seryeng pagbibidahan ni Marian Rivera.
“Thrilled” at “excited” na rin ang aktres na makatrabaho ang kanyang co-stars sa upcoming serye.
Josh Ford
Kabilang din sa cast ng bagong serye ang Sparkle Teen na si Josh Ford. “Super excited” na rin si Josh na makatrabaho ang mga batikang aktor sa serye dahil marami siyang matututunan mula sa mga ito.
Gabby and Gabby
Dalawang Gabby ang mapapanood sa comeback serye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.