Meet the cast of 'Now We Are Breaking Up'
Malapit nang magsimula ang pinakabagong Korean melodramatic romance series na 'Now We Are Breaking Up' na handog ng GMA Heart of Asia.
Iikot ang istorya nito sa kwento ni Corrine (Song Hye-kyo), isang fashion designer na nagsanay sa France. Habang nag-aaral siya sa naturang bansa, nakilala niya ang isang lalaki na kalauna'y naging boyfriend niya. Isang gabi, magkikita sana ang dalawa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay na-involve sa isa isang car accident ang kasintahan ni Corrine.
Sampung taon ang nakalipas, nakilala naman ni Corrine si Jameson (Jang Ki-yong), isang professional photographer. Ang kanilang one night stand ay nauwi sa isang komplikadong relasyon matapos niyang malaman na si Jameson ay kapatid sa ama ng kanyang dating nobyo.
Ang 'Now We Are Breaking Up' ang isa sa mga pinag-usapang Korean drama series noong 2021.
Huwag palampasin ang kanilang mga nakakakilig na eksena sa 'Now We Are Breaking Up,' simula June 12, Lunes hanggang Huwebes, 10:20-10:50 p.m., at Biyernes, 10:35-11:20 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala kilalanin ang iba pang cast ng 'Now We Are Breaking Up' sa gallery na ito.
Corrine
Rarampa na si Song Hye-Kyo bilang si Corrine, one of Korea's top fashion designers na may bitter past kaya ayaw nang magkaroon ng permanent at passionate relationship sa kahit na sino.
Jang Ki-yong
Ihanda na ang inyong mga puso dahil magpapakilig gabi-gabi ang Korean heartthrob na si Jang Ki-yong!
Jameson
Gagampanan ni Jang Ki-yong ang karakter ni Jameson, isang super charming at sikat na photographer na muling magpapatibok sa puso ni Corrine. Jameson has found his perfect subject in Corrine at hindi siya titigil hanggang hindi sila parehong nakakawala sa mapait na nakaraang nag-uugnay sa kanilang mga buhay.
Choi Hee-seo as Olive
Ang Korean actress na si Choi Hee-seo naman ang magbibigay buhay sa karakter ni Olive, ang boss ni Corrine sa design department na hindi kayang i-manage ang sarili niyang buhay. Unlike Corrine, lagi siyang heartbroken dahil madalas siyang nagpapakabaliw sa mga lalaki.