Meet James Graham, one of the most promising actors of Sparkle!
Ipinakilala bilang "explorer" ng Sparkle Teens ang promising young actor ng Sparkle Teens na si James Graham.
Ang half-Filipino at half-American na si James ay isa sa rising star ng Kapuso Network.
Unang napanood ang young actor sa GMA sa wish granting program na Wish Ko Lang. At nag-marka ang karakter niya bilang Louie sa murder mystery drama na Royal Blood, ang kauna-unahan niyang serye sa GMA-7.
Kilalanin natin si James ng Sparkle Teens dito:
Talent and hobbies
Ipinagmamalaki ni James ang kaniyang talento sa pag-arte. Samantala, hobbies naman ni James ay ice skating at swimming.
3 words to describe James
Saad ni James, ang tatlong salitang makakapag-describe sa kaniya ay tall, crazy, at Swiftie o Taylor Swift fan.
Future projects
Sa kasalukuyan ay napapanood na si James at iba pang Sparkle Teens bilang guests sa iba't ibang shows ng GMA Network. Abangan ang kaniyang projects soon sa GMA Network.
Acting stint
Ang kauna-unahang acting stint ni James Graham sa GMA ay sa wish granting program na Wish Ko Lang. Nakasama rin si James Graham sa bagong Luv Is series ng GMA na Love At First Read.
Pepito Manaloto
Napanood ang young actor bilang Edward sa Pepito Manaloto: Tuloy ang Unang Kuwento: Mascot.
Widows War
Mapagkakamalan kaya si Louie (James Graham) bilang isa sa killer ni Basil Palacios (Benjamin Alves)? Napapanood si James sa 2024 GMA Prime series na 'Widows' War.'