The highs and lows of Manilyn Reynes' 40 years in showbiz
She is one of the best!
Eksklusibong nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang tinaguriang “Star of the New Decade," walang iba kundi si Miss Manilyn Reynes sa May 17 episode ng 'Fast Talk With Boy Abunda.'
Dito, binalikan nila ang ilan sa highlights ng career ng award-winning 'Pepito Manaloto' actress na apat na dekada na sa showbiz. Tingnan ang ilan sa mga ito sa gallery na ito!
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Manilyn Reynes
Nagsimula sa edad na 10 si Manilyn Reynes at ngayon ay apat na dekada na sa show business. Patunay lamang ng staying power nito!
Boy Abunda
Isang masayang reunion ang nangyari sa pagitan ng host ng programa na si Boy Abunda at aktress na si Manilyn, na minsang naging talent ng seasoned TV host.
Thank you
Sa 'Fast Talk With Boy Abunda,' nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Manilyn sa lahat ng mga taong tumulong sa kaniya sa showbiz sa loob ng 40 years. Lahad ng Kapuso actress, “Maraming tao, Tito Boy. Siyempre, ang Regal Films, 'no? Unang-una si Mother Lily[Monteverde], sa recording naman ang OctoArts at 'yung “Apple Thoughts” ko noon, Ivory records. 'Yung mga director, mga producer, mga katrabaho na nagtiwala mula po noon hanggang ngayon, kayo [Boy Abunda] na naging manager ko for a time, mga kaibigan na hindi bumitaw at naniwala sa kung ano'ng kaya kong gawin.”
Success
Ayon kay Manilyn Reynes, nagtagal siya sa industriyang ito dahil sa kaniyang professionalism at talent.
Punctual
Binigyan-diin din ng versatile actress at singer ang halaga ng pagiging on-time sa trabaho bilang artista. Paliwanag niya, “Napaka-punctual ko po, totoo po yan. Para sa akin kasi, lahat tayo may kaniya-kaniyang buhay, may kaniya-kaniya tayong pamilya. Ano ba naman 'yung maaga tayo lahat dumating, matapos tayo maaga, 'di masaya. Makauwi tayo sa family ng maayos at masaya lahat.”
Worst experience
Umamin si Manilyn Reynes sa one-on-one nila ni Boy Abunda na naranasan na niyang paghintayin ng isang artista ng tatlo hanggang apat na oras.
Father
Maluha-luha naman si Manilyn nang alalahanin ang yumao niyang ama na si Daddy Nelson Clarin Reynes, na pumanaw noong January 2021.
Emosyonal na kuwento ng award-winning actress, “Actually, si mama at si daddy, sobra 'yung tiwala nila sa kung ano 'yung kaya ko gawin. Hindi sila stage father, stage mother. Pagdating ko sa set, pagdating ko sa stage do your thing. “Kaya si Daddy alam ko nakatingin sa akin ngayon at proud na proud.”
Horror movies
Tinuruan din ni Manilyn ang King of Talk kung paano umarte sa isang horror project. Matatandaan na nakilala si Manilyn sa horror movies tulad ng 'Shake, Rattle & Roll' noong '90s. Sabi niya, “Huwag tayo magalaw. Normally, kapag napapanood natin 'yung horror films 'di ba masyadong [she acts out and screams]. Pero, iba 'yung dating ng hindi magalaw, e.”
Showbiz peak
Inalala rin niya sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang naging peak niya noon bilang celebrity. Kuwento niya, “Of course, nung panahon na ang dami ko ginagawa like kabi-kabila po meron pong movies, meron concerts. Kasi, 10 years po ako na naka-kontrata sa Regal Films, when I was 10. 'Tapos, nung 20 ako, natapos ng aking kontrata. 'Yun talaga 'yung peak, kasi ang dami ko po talagang ginagawa sa totoo lang Tito Boy.”
Kapuso Network
Hindi nakalimutan ni Manilyn Reynes na magpasalamat sa kaniyang home network sa projects na ibinibigay nito sa kaniya. Ayon sa kaniya, masaya siya na bukod sa 'Pepito Manaloto,' kung saan bida sila ng highly-respected comedian na si Michael V., ay nabibigyan din siya ng drama project. “At thankful po ako sa GMA sa Kapuso Network, dahil po hindi naman po ako nawawalan ng soap. Ngayon, actually may tinawag na rin, so mag-uusap na lang sila ni Aljon [Jimenez].”