Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria, and Bianca De Vera visit GMA for #UnbreakMyHeart
Nito lamang nakaraang Linggo, May 7, bumisita ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria, at Bianca De Vera sa Kapuso Network para sa biggest collaboration project ng GMA at ABS-CBN na 'Unbreak My Heart.'
Mainit silang sinalubong ng ilang GMA artists at employees, kabilang na ang kanilang co-stars sa upcoming series na sina Gabbi Garcia, Will Ashley, at Maey Bautista.
Silipin ang naging kaganapan sa pagbisita ng ilang 'Unbreak My Heart' stars sa GMA sa gallery na ito.
Joshua Garcia
Ang isa sa sought-after actors sa bansa na si Joshua Garcia ay bumisita sa GMA Network.
Second time
Ayon kay Joshua Garcia, ito pa lang ang ikalawang beses na pagtungtong niya sa Kapuso Network.
Variety show
Nakapunta na raw si Joshua Garcia sa GMA noong hindi pa siya artista. Ayon sa kanya, live silang nanonood noon sa isang variety show.
Joshua Garcia and Gabbi Garcia
Kapansin-pansin na komportable na talaga sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa isa't isa.
Jodi Sta. Maria
All smiles na dumating ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria sa GMA Network.
First time
Ayon kay Jodi Sta. Maria, ito ang kauna-unahang beses na nakapunta siya sa tahanan ng mga Kapuso.
Fierce and young-looking
Fierce at young-looking si Jodi Sta. Maria nang dumating siya sa GMA suot ang kanyang stylish outfit.
Ladies
Ipinadama ni Gabbi Garcia sa kanyang co-star na si Jodi Sta. Maria ang kanyang warm welcome nang bumisita ang huli sa GMA.
Will Ashley
Present din si Will Ashley nang bumisita ang kanyang 'Unbreak My Heart' co-stars sa GMA.
Maey Bautista
Naroon din ang comedian-actress na si Maey Bautista sa GMA nang bumisita ang co-stars niya sa upcoming series.
Unbreak My Heart
Abangan ang 'Unbreak My Heart,' mapapanood na sa darating na May 29!
Ipapalabas ito sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m. Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANETWORK.com, iWantTFC, at Viu.