'Royal Blood's star-studded cast meet at its story conference
Bigness is back!
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama-sama ang star-studded cast ng pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang 'Royal Blood,' sa naganap na story conference nito noong Lunes, March 20.
Pagbibidahan ang 'Royal Blood' ng nag-iisang Primetime King Dingdong Dantes. Kasama sina Tirso Cruz III, Mikael Daez, Megan Young, Rhian Ramos, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Benjie Paras, at Arthur Solinap.
Royal Blood
Naganap ang story conference ng pinakabagong suspenserye ng GMA, ang 'Royal Blood,' noong Lunes, March 20.
Bigness is back!
Kapuso Primetime King Dingdong Dantes is back. Huling napanood sa GMA Telebabad si Dingdong sa "Alter-Nate" ng 'I Can See You.' Kasalukyan naman siyang napapanood bilang host sa hit game show sa hapon, ang 'Family Feaud.'
Dingdong Dantes
Pagbibidahan ang pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Sabi niya sa GMANetwork.com, "'Yung konsepto kasi nito kakaiba talaga, very interesting, kasi suspense drama siya. For me, it's something I haven't done before."
Tirso Cruz III
Muling ipamamalas ng seasoned actor na si Tirso Cruz III ang husay sa pag-arte sa bagong role na gagampanan niya sa primetime. Kamakailan lang ay umani ng puri si Tirso sa mahusay niyang pagganap bilang Padre Damaso sa hit historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'
Dingdong Dantes and Tirso Cruz III
Talaga namang kaabang-abang ang muling pagsasama nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at seasoned actor Tirso Cruz III sa isang serye. Nagkasama sila sa seryeng 'I Heart You, Pare' noong 2011.
Mikael Daez and Dingdong Dantes
Kitang-kita ang excitement ni Mikael Daez na makasama si Primetime King Dingdong Dantes sa isang suspenserye.
Megan Young
Exciting ang magiging karakter ng beauty-queen at Kapuso actress na si Megan Young sa 'Royal Blood.'
Megan Young and Mikael Daez
Muling magsasama sa isang serye ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young.
Rhian Ramos
"Very exciting" para kay Rhian Ramos ang karakter na gagampanan sa 'Royal Blood' dahil, aniya, "out of ordinary" at hindi niya pa ito nagagawa.
Rhian Ramos' reaction
"I was very curious about it kasi nu'ng una wala rin siyang masyadong iniri-reveal kasi nga ang gagawin natin ngayon is a mystery so talagang we have to be okay with some things being secret," reaksyon ni Rhian Ramos nang malamang isang suspenserye ang bagong show na gagawin sa GMA.
Dion Ignacio
Masaya at itinuturing na blessing ni Dion Ignacio ang maging parte ng suspenserye na 'Royal Blood.' Panibagong challenge din para sa aktor ang gagampanang karakter sa serye.
Dingdong Dantes and Dion Ignacio
"Sobrang excited" si Dion Ignacio na muling makatrabaho sa isang serye si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Una nang nagkasama ang dalawang aktor sa pelikulang 'Moments of Love' at sa series na 'I Can See You: AlterNate.'
Fashionista
"Very [fashionista], very imo, at very goal-oriented," ang masasabi ni Lianne Valentin sa karakter niya sa Royal Blood.
Rabiya Mateo
Ito ang unang serye ni Rabiya Mateo, kung saan aniya, "may puso" ang ipapakita niyang karakter--kaiba kay Asha ng fantasy series na 'Agimat ng Agila.'
Kalog
"Masaya siya kasi babaeng bakla lang ako rito, kalog, very masa, so something na makaka-relate ako.
Rabiya Mateo and Megan Young
Ang dalawang beauty queen ng 'Royal Blood' na sina Rabiya Mateo at Megan Young.
Detective
Una nang napanood si Arthur Solinap bilang detective sa murder-mystery drama series na 'Widows' Web.'