LOOK: Ang mga babae sa buhay ni James Reid
Matunog ang pangalan ngayon ni James Reid dahil sa estado ng kanyang lovelife.
Si James ay kasalukuyang pinag-uusapan sa social media dahil binalikan ng netizens ang naging relasyon niya ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre at ang kanyang pag-amin sa relasyon nila ni Issa Pressman ngayon.
Kilalanin ang iba pang mga babae na naging bahagi ng showbiz career at pati na rin ng personal na buhay ni James Reid.
Confirmation
Noong March 17, 2023, nagsalita na si James tungkol sa estado ng relasyon nila ni Issa Pressman. Ani James, "I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I'm not gonna let anyone take that from me. All you need to know from me is that I'm the happiest I've ever been."
Nadine Lustre
Isa sa mga tinutukan sa buhay ni James ay ang kanyang reel-to-real love story sa dating ka-loveteam na si Nadine Lustre.
Breakup
Noong 2020, napabalita ang breakup nina James at Nadine. Nasangkot dito si Issa, dahil ayon sa mga kumakalat na balita, siya raw ang naging dahilan sa hiwalayang James at Nadine.
Issa Pressman
Si Issa ay ang current girlfriend ni James. Naging usap-usapan ang kanilang relasyon noong March 14 dahil nakita ang dalawa ng magkahawak kamay sa isang Instagram photo.
Reaction
Nakatanggap si Issa ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens dahil sa kanilang pag-amin. Sa kasalukuyan ay hindi pa nagsasalita si Issa tungkol sa kanilang relasyon ni James.
Yassi Pressman
Si Yassi Pressman ay isa sa mga kaibigan nina James at Nadine. Siya rin ay kanilang co-star sa pelikulang 'Diary ng Panget.'
Sisters
Si Yassi ay kapatid naman ni Issa. Noong 2020 ipinagtanggol niya si Issa dahil sa third party allegations.
Nag-post si Yassi ng litrato kasama si Nadine at ayon sa aktres, "Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya."
Ericka Villongco
Nagkaroon ng three-year relationship sina James at Ericka Villongco. Si Ericka ay nakilala noon bilang parte ng pop-acoustic duo na Krissy & Ericka.
Debs Garcia
Pinag-usapan noong 2015 si Debs Garcia dahil sa kumalat na photos nila ni James sa isang event.
Friends
Nilinaw naman ni James na magkaibigan lang sila ni Debs. Ani James, "Nothing. Friend ko lang siya.”
Nancy McDonie
Ilang beses naman napag-usapan sa social media na naging magkarelasyon umano sina James at Nancy McDonie ng K-pop group na MOMOLAND.
No confirmation
Kahit na ilang beses nakita sina James at Nancy na magkasama, walang official confirmation na naging magkarelasyon ang dalawa.