Cast ng suspense drama series na 'The Missing Husband,' kilalanin
Inaabangan na ng mga manonood ang pangmalakasang drama na 'The Missing Husband.'
Ang naturang upcoming mystery drama series na mapapanood ngayong taon ay pagbibidahan nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi.
Bukod kina Rocco at Yasmien, mapapanood din sa serye si Jak Roberto.
Sinu-sino pa kaya ang makakasama nila sa afternoon series na ito? Kilalanin ang cast ng 'The Missing Husband' sa gallery na ito.
Rocco Nacino as Anton
Si Anton ang partner ni Millie. Siya ay college undergrad sa isang engineering course at nagtrabaho bilang waiter at musician sa Qatar.
Yasmien Kurdi as Millie
Si Millie naman ang partner ni Anton. Siya ay nagtrabaho bilang saleslady sa Qatar. College graduate si Millie pero pinili niyang mag-abroad upang doon magtrabaho.
Jak Roberto as Joed
Si Joed ay straight at by-the-book na pulis. Siya ay maa-assign sa pag-iimbestiga sa mangyayari sa asawa ni Millie na si Anton.
Joross Gamboa as Brendan
Si Brendan ay ang charming at mayabang na college schoolmate nina Anton at Millie. Nagtatrabaho siya bilang engineer sa Qatar. Asensado ngunit maluho. Mahilig siya sa mga magagandang kotse at iba pang mamahaling bagay.
Sophie Albert as Ria
Si Ria ay sexy, flirty, at malapit sa mga lalaki. Magkakagusto siya kay Anton ngunit kalaunan ay malalaman niyang may partner na pala ito.
Shamaine Buencamino as Sharon
Siya ang nanay ni Anton, mahilig umawra kahit na hindi naman sila mayaman.
Max Eigenmann as Leila
Si Leila ang mataray at masungit na ate ni Anton. Nabuntis nang maaga at nagpakasal ngunit nakatira pa rin sa ibang bahay kasama ang nanay nila ni Anton na si Sharon.
Michael Flores as Banong
Ang asawa ni Leila na chill at may pagkabatugan. Minsan ay buhay binata pa rin siya kahit may pamilya na.
Bryce Eusebio as Norman
Si Norman ay anak nina Leila at Banong. Close siya sa kanyang tito at tita na sina Anton at Millie.
Cai Cortez as Glenndolyn 'Glenn'
Ang kapitbahay at best friend ni Millie. Between her and Millie, siya ang mas matapang.
Mark Herras as Nick
Makikilala si Mark Herras sa The Missing Husband bilang si Nick Lazaro, isa sa mga taong mabibiktima ng isang scam.