What's Hot

'The King's Doctor,' magsisimula na sa June 29!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 11:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Mula kay Lee Byung Hoon, direktor ng mga obrang 'Jewel in the Palace' at 'Dong Yi,' ang isa na naman Korean period drama - 'The King's Doctor!' 
 

By MARAH RUIZ

 
Mula kay Lee Byung Hoon, direktor ng mga obrang Jewel in the Palace at Dong Yi, ang isa na naman Korean period drama—The King's Doctor
 
Makakasama na sa umaga si Baek Gwang Hyun, isang beterinaryong aangat bilang punong doktor ng hari dahil sa kanyang angking galing at walang sawang pagsisikap. Ngunit hindi doon magtatapos ang mga pagsubok na haharapin niya. Sadyang matindi ang pulitika sa loob ng palasyo at kailangang patunayan ni Gwang Hyun na karapat dapat siya sa kanyang posisyon sa kabila ng pagiging mula sa mas nakabababang uri. 
 
WATCH: Ang napagkaitan ng karapatan ay mabibigyan ng matass na karangalan 

Pagbibidahan ito ng charismatic Korean actor na si Jo Seung Woo. Ito ang unang dramang pangtelebisyon sa loob ng kanyang higit isang dekadang karera bilang isang film at stage actor. 
 
READ: Jo Seung Woo, bagong Korean heartthrob na dapat abangan

Umani ang The King's Doctor ng ilang mga parangal sa 2012 MBC Drama Awards. Kabilang dito ang Best New Actress para kay Kim So Eun na gumanap bilang Prinsesa Sookwhee, Excellence Award for and Actor in a Special Project Drama para kay Lee Sang Woo na gumanap naman bilang ang karibal ni Gwang Hyun sa pag-ibig na si Lee Sung Ha, Top Excellence Award for and Actor in a Special Project Drama at Grand Prize o Daesang Award para kay Jo Seung Woo. 
 
Abangan ang The King's Doctor, Lunes hanggang Biyernes simula June 29, pagkatapos ng Two Mothers sa Heart of Asia, GMA.