Ani Megan, handa na siya sa proyektong ibinigay ng GMA Network sa kanya. Sambit niya, “Natutuwa po ako at nagpapasalamat po ako ng lubos sa GMA dahil sa tiwala nila sa akin para dito."
Inihalintulad din ng Kapuso beauty queen ang kanyang pagganap sa iconic character sa tagumpay ng simpleng Pilipino.
“Patunay lang din siya na kahit napakasimple ng isang Pinay, kung magtitiwala siya sa sarili niya, kung magsisikap siya ay kayang kaya niyang maabot ‘yung mga pangarap niya,“ pahayag niya.