IN PHOTOS: Kapuso celebrities and their projects abroad this 2022
Patuloy na hinahangaan maging sa abroad ang husay at talento ng Kapuso celebrities.
Ngayong taon, ilan lamang sina Andrea Torres ('Pasional'), Max Collins ('Almost Paradise'), at Kimson Tan ('King of Hawkers') sa Sparkle stars na nakakuha ng proyekto abroad.
Tingnan ang ilan pa sa Kapuso celebrities na nakasungkit ng international projects ngayong 2022:
Andrea Torres
Kasama ang Argentinian actor na si Marcelo Melingo, bibida si Andrea Torres sa upcoming international film na 'Pasional.'
Pasional
Sa pelikulang co-production ng Malevo Films at GMA Network, gaganap si Andrea Torres bilang Mahalia, isang tango dancer, habang bibigyang-buhay naman ni Marcelo Melingo ang karakter ni Norberto, isang biologist.
Max Collins
Almost Paradise
Noong September 2021, masayang ibinalita ni Max Collins na bahagi siya ng second season ng 'Almost Paradise,' isang American-Filipino crime TV series tungkol sa dating agent na si Alex Walker (Christian Kane), na lumipat sa Cebu.
Rabiya Mateo
Kabilang ang beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo sa Amazon Prime "movie-series" na 'One Good Day,' kung saan kasama rin niya ang kapwa Kapuso actress na si Andrea Torres.
One Good Day
Sa seryeng idinirehe ni Lester Ong, makakatambal ni Rabiya Mateo ang seasoned actor na si Ian Veneracion. Nagsimulang ipalabas ang 'One Good Day' sa Prime Video noong November 17.
Heart Evangelista
Napanood si Kapuso Style Icon Heart Evangelista sa season three ng hit Netflix series na 'Bling Empire,' kung saan nakasama niya ang kaibigan at star nitong si Kane Lim.
Bling Empire
Noong October 5, nagkaroon ng cameo si Heart Evangelista sa episode nine ng 'Bling Empire,' isang American reality TV show kung saan tampok ang pamumuhay ng mga kilalang East and Southeast Asian at Southeast Asian-American na naninirahan sa Los Angeles, California.