On and offcam, parang mag-ina na ang turingan nina Aiai at Ruru sa isa't-isa.
By MICHELLE CALIGAN
Kung noong una'y na-intimidate pa si Let the Love Begin star Ruru Madrid kay Aiai Delas Alas, ngayon ay parang mag-ina na talaga ang turingan nila sa isa't-isa.
"Actually po si Ms. Ai, ambait po niya. Turing niya po sa akin talagang anak," kuwento ni Ruru sa GMANetwork.com.
Aniya, hindi nagbabago ang closeness nila sa harap o sa likod man ng camera.
"Kahit offcam, grabe siya makayakap sa akin. Lagi siyang nagkukuwento sa akin about sa kanya, ganyan. Lagi niya akong binibigyan ng tinapay niya dahil may bakery sila. Every time na nasa taping kami, lagi siyang may dalang paandar."
Hindi lamang si Ruru ang nagiging kumportable sa Philippine Queen of Comedy, dahil pati ang kanyang love team partner na si Gabbi Garcia ay nalagpasan na rin ang starstruck phase.