LOOK: Jessica Soho meets the cast of 'Maria Clara at Ibarra'
Mukhang malayo na naman ang nilipad ng team ng award-winning journalist na si Jessica Soho para sa kanyang programa na 'Kapuso Mo, Jessica Soho' dahil napadpad din sila sa mundo ng 'Noli Me Tangere' kung saan naroon ang cast ng pinag-uusapang historical portal fantasy series ng GMA na 'Maria Clara at Ibarra.'
Sa isang Instagram post, makikita na tinungo mismo ni Jessica ang set kung saan nagte-taping ang mga bida ng nasabing serye na sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.
"Ang aming team, nag-time travel sa pinag-uusapang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra! Si Ms. Jessica Soho, nakapanayam sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo! #KMJS," caption ng team ni Jessica sa kanilang social media post.
Silipin ang naging pagbisita ni Jessica sa set ng 'Maria Clara at Ibarra' sa gallery na ito.
Maria Clara at Ibarra
Simula nang ipalabas ang seryeng 'Maria Clara at Ibarra' ay patuloy itong nakakakuha ng matataas na TV ratings at hindi na ito naalis sa trending topic sa social media.
Jessica meets Klay
Sa pagbisita ni Jessica Soho sa set ng 'Maria Clara at Ibarra,' nakakulitan niya ang Gen-Z na napunta sa mundo ng 'Noli Me Tangere' na si Klay. Ito ay ang karakter na ginagampanan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Jessica meets Crisostomo Ibarra
Nakadaupang palad din ni Jessica Soho ang mabait at edukadong binata ng San Diego na si Crisostomo Ibarra na bida sa nobela ni Jose Rizal na 'Noli Me Tangere.' Ang karakter naman na ito ay ginagampanang ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
Jessica meets Maria Clara
Sa wakas ay nagtapo rin ang landas nina Jessica Soho at ng babaeng salamin ng pagiging marangal ng mga Filipina na si Maria Clara. Si Maria Clara ay binigyang buhay naman ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Panayam
Abangan ang eksklusibong panayam ni Jessica Soho sa cast ng 'Maria Clara at Ibarra' ngayong Linggo sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'