IN PHOTOS: Stars of first Filipino figure skating series 'Hearts on Ice' meet at their storycon
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama-sama ang star-studded cast ng kauna-unahang Filipino figure skating series sa bansa, ang Hearts On Ice, sa naganap na story conference noong Martes, October 4.
Pagbibidahan ang Hearts on Ice nina Ashley Ortega at Xian Lim, kasama sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Inigo, Kim Perez, Roxie Smith, at Ruiz Gomez.
Figure skating series
Ang 'Hearts on Ice' ang kauna-unahang Filipino figure skating series sa bansa na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.
Ashley Ortega
Ayon kay Ashley, dream role niya ang pagbibidahang karakter sa 'Hearts on Ice'--bilang isang figure skater. Kaya naman "thankful at grateful" ang aktres sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.
Xian Lim
Isang karangalan naman para kay Xian Lim na mapasama sa star-studded cast ng 'Hearts on Ice.' Excited na rin aktor sa karakter na gagampanan sa serye na aniya ay bago sa kanya.
Amy Austria
Muling ipamamalas ni Amy Austria ang husay sa pag-arte sa bagong role na gagampanan sa Kapuso Network.
Tonton Gutierrez
Makakasama rin nina Ashley Ortega at Xian Lim sa serye ang batikang aktor na si Tonton Gutierrez.
Ina Feleo
Excited na si Ina Feleo sa gagampanang role sa pinakabagong sports drama series ng GMA. Aniya, "First love ko ang skating, kumbaga bago pa ako nag-artista ito 'yung una kong pangarap."
Kim Perez
Hindi naman naitago ni Kim Perez ang excitement para sa kauna-unahang serye sa GMA. Aniya, "First time kong ma-cast sa isang serye rito sa GMA, sobra-sobra akong excited kasi gusto kong ma-showcase 'yung kaya ko sa acting."
Roxie Smith
Ang 'Hearts on Ice' ang unang serye sa GMA ng beauty queen at aktres na si Roxie Smith. Kaya naman isang karangalan para sa kanya na mapasama sa cast nito. "The idea pa lang of getting to work with Xian Lim and Ashley Ortega it's a dream come true."
Ruiz Gomez
Isang malaking blessing para kay Ruiz Gomez ang mapasama sa cast ng 'Hearts in Ice,' na una niyang serye sa GMA.
Antonette Garcia
Masaya si Antonette Garcia na muling makagawa ng serye sa GMA. "Noong matawagan ako na kasama ako rito, I was so happy. I'm so grateful to be part of this new show."