What's Hot

Marian Rivera, gusto maging FHM's sexiest si Andrea Torres

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 26, 2020 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit kay Andrea niya gustong ipasa ang kanyang titulo bilang FHM's sexiest woman?
By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Bukas nang muli ang voting para sa FHM 100 sexiest at last year nakuha ni Marian Rivera ang kanyang ikatlong korona para sa sexiest title ng nasabing magazine. Ngayong buntis na si Marian, muli ba siyang sasali sa sexiest list?

 

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on


Kuwento ni Marian, “Actually napag-usapan namin 'yan ng FHM at ng management ko. Naka-receive din ako ng letter sa management na huwag na, tama na. Kahit na sumali ako sa FHM, just in case na palarin ulit ako, may mga bumoto ulit sa akin, mag-number one ako for example. Hindi ko kayang rumampa, mahiya naman ako sa asawa ko. Buntis pa ako, so huwag na muna. Siguro pass na muna ako nitong FHM na 'to.”
 
Buo naman umano ang suporta ni Marian para kay Andrea Torres para sa 100 sexiest this year. Aniya, “'Yun na lang iboto nila. Kapatid ko ‘yun eh.”
 
“Actually nung nag-cover siya, nagustuhan ko ‘yung cover niya at sabi ko nga, 'yung ginawa niya hindi ko kayang gawin. So ang lakas ng loob ng bata. At nakikita ko na pursigido rin siya. At nakikita ko rin 'yung pagbabago niya eh. Sobrang sexy talaga niya ngayon.” dagdag ni Marian.
 
Pahayag naman ni Marian tungkol sa huli niyang FHM photo shoot, “Sobrang kabadong kabado po ako kasi ‘yung concept nitong last ko medyo ano siya eh nadagdagan ng pagka-sexy pictorial compared doon sa dati kong nagawa. Kaya sabi ko, hindi ba parang, sa bawat aksyon na gagawin ko at sa bawat pagpu-pose ko gusto ko maging presentable pa rin kahit sexy siya kaya naka-focus talaga ako doon. Kasi mahirap na nandoon na, na-shoot mo na tapos nagkamali ka, wala nang bawian 'yun eh. 

"So gusto ko sa bawat shinu-shoot namin, sa bawat picture, tinitingnan ko talaga kay Mark. [Sasabihin ko] patingin, ay okay alam ko na gagawin ko. So mas maganda 'yung palaging sigurado ka, especially sa mga bagay na first time mong ginagawa.”