Bossing Vic Sotto's inspiring showbiz career throughout the years
Mahigit limang dekada na sa showbiz ang beteranong aktor at TV host na si Vic Sotto.
Bago pa man makilala sa industriya noong 1970s, nagsimula si Vic bilang isang mang-aawit at gitarista sa Vicor Music Corporation, kung saan nagtrabaho rin noon ang kapatid niyang si Senate President Tito Sotto. Naging matagumpay ang unang solo album ni Vic sa local record label na ito.
Kalaunan, bumuo ng sariling banda si Vic kasama ang nakatatanda niyang mga kapatid na sina Tito at Val, ang VST & Company, na naging isa sa pinakasikat na banda noong 1970s. Si Vic ang lead vocalist ng bandang ito, na kilala sa mga kantang "Awitin Mo at Isasayaw Ko" at "Rock, Baby, Rock."
Naging miyembro rin si Vic ng short-lived band na Blue Jeans, na kilala naman sa hit song nitong "Paniwalaan."
Mas kilalanin pa si "Bossing" Vic Sotto sa gallery na ito:
Vic Sotto
Bago pa man makilala sa showbiz noong 1970's, nagsimula si Vic Sotto bilang isang mang-aawit at gitarista sa local record label na Vicor Music Corporation kung saan inilabas ang unang self-titled solo album nito.
VST & Company
Isa sa pinakasikat na banda noong 1970s ang VST & Company na binubuo ng magkakapatid na sina Tito, Val, at Vic Sotto. Si Vic ang lead vocalist ng bandang ito, na kilala sa mga kantang "Awitin Mo at Isasayaw Ko" at "Rock, Baby, Rock."
Tito, Vic, and Joey
Nakilala ni Vic Sotto ang noon ay radio DJ at komedyanteng si Joey de Leon nang samahan nito ang mga kapatid niyang sina Tito at Val sa gag show na 'Okay Lang' noong 1970s. Ito ang naging simula ng magpahanggang ngayon ay sikat na comedy trio na Tito, Vic, at Joey.
Discorama
Noong 1975, napasama sina Tito at Vic Sotto sa afternoon variety show ng GMA na 'Discorama' nang imbitahan sila ng noon ay co-host ng programang ito na si Joey de Leon. Sumikat ang tatlo sa segment na "Tough Hits," kung saan ginagawan nila ng parody ang ilan sa mga sikat na awitin noon.
Eat Bulaga
Matapos na maging cast ng noontime show ng GMA na 'Student Canteen,' tinanggap nina Vic Sotto, Tito Sotto, at Joey de Leon ang alok ng kilalang producer na si Tony Tuviera na maging hosts ng bagong noontime show ng Radio Philippines Network (RPN-9), ang 'Eat Bulaga.'
Bossing
Dalawampu't limang taong gulang lamang noon si Vic Sotto nang maging host ng ngayo'y longest-running noontime variety show ng bansa, ang 'Eat Bulaga,' na nagsimula noong July 30, 1979.
Taurus
Ipinanganak si Marvic Castelo Sotto o mas kilala bilang Vic Sotto noong April 28, 1954 sa Manila. Mayroong tatlong kapatid si Vic at ito ay sina Maru, Tito, at Val.
Television shows
Ilan sa mga kilalang television shows ni Vic Sotto ay ang 'Okay Ka, Fairy Ko!' 'Daddy Di Do Du,' 'Ful Haus,' 'Vampire ang Daddy Ko,' at 'Daddy's Gurl,' na napapanood tuwing Sabado sa GMA.
Game shows
Bukod sa 'Eat Bulaga,' nNaging host din si Vic Sotto ng Philippine version ng 'Who Wants to Be a Millionaire' at 'Million Peso Money Drop.'
Films
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Vic Sotto ay ang 'Lastikman,' 'Fantastic Man,' 'Enteng Kabisote,' 'Ang Darling Kong Aswang,' 'My Little Bossings,' 'My Big Bossings,' 'My Bebe Love,' 'Meant To Beh,' at 'Iskul Bukol 20 Years After: Ungasis and Escaleras Adventure.'
M-Zet Productions
Pagmamay-ari ni Vic Sotto ang film at television production company na M-Zet Productions, na nag-co-produce ng mga pelikulang 'Enteng Kabisote,' 'Imagine You & Me,' at 'Trip Ubusan: The Lola vs. Zombies.'
Children
Mga anak ni Vic Sotto sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto sa aktres na si Dina Bonnevie. Anak naman ng beteranong aktor at host si Vico Sotto sa aktres na si Coney Reyes. Nagkaroon din siya ng anak sa aktres na si Angela Luz at ito ay si Paulina Sotto. Si Talitha "Tali" Sotto ang bunsong anak ni Vic sa aktres at host na si Pauleen Luna.
Awards
Ilan sa mga natanggap na parangal ni Vic Sotto ay ang Box Office Entertainment Awards - Corazon Samaniego Lifetime Achievement Award (2015), Golden Screen TV Awards - Outstanding Male Host in a Musical or Variety Program (2011), NWSSU Students' Choice Awards for Radio and Television - Best Noontime Variety Show Host (2010-2015), at PMPC Star Awards for Television - Best Male TV Host (1990, 1995, 1997, 1998, 2002, 2003, 2008).