Ayon sa ulat ni Luane Dy sa 24 Oras, sumabak ang Kapuso actress sa isang pictorial para sa shoe line na kanyang ini-endorso, pero kahit apat na buwan nang buntis, sexy at gorgeous pa rin ang misis ni Dingdong Dantes.
Matatandaan na noong nakaraang buwan umamin si Marian sa panayam ni Jessica Soho na pinagbubuntis na niya ang panganay nilang anak ng Kapuso Primetime King.