IN PHOTOS: Love together this summer with the stars of GMA Network's new shows
Mga Kapuso, let's love together ngayong summer of 2022!
Handog ng GMA Network ang ilan sa mga kaabang-abang na programa para ngayong April at May 2022.
Sa pamamagitan ng isang masaya at makulay na summer shoot, nagsama-sama ang mga Kapuso stars para ipakilala ang upcoming shows ng GMA Network Tampok dito ang cast ng mga programang 'Jose and Maria's Bonggang Villa,' 'Raising Mamay,' 'False Positive,' 'Apoy sa Langit,' 'Bolera,' 'Love You Stranger,' at 'Raya Sirena.'
Kasama rin dito ang 'Limitless: Rise' at ang 'Eleksyon 2022 Special News Coverage.'
Silipin ang exciting na summer shoot ng GMA Network para sa summer 2022 sa gallery na ito:
Kylie Padilla
Ang talented actress at lead star ng 'Bolera' na si Kylie Padilla ay isa sa mga nagpasaya ng shoot ng GMA Network.
Dingdong Dantes
Kabilang din sa masayang summer shoot na ito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Marian Rivera
Siyempre, kasama ni Dingdong ang napakagandang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Summer bonding
Ipinakita nina Dingdong at Marian kung paano ba dapat magpakilig ng special someone ngayong summer.
Kapuso
May sariling shoot sina Dingdong at Marian sa likod ng camera. Para saan kaya ang cute moment na ito?
'Jose and Maria's Bonggang Villa'
Ang 'Jose and Maria's Bonggang Villa' nina Dingdong at Marian ay mapapanood na sa May 14.
'Apoy sa Langit'
Sina Zoren Legaspi, Maricel Laxa-Pangilinan, Lianne Valentin, at Mikee Quintos ay mapapanood sa 'Apoy sa Langit' simula May 2.
'Raya Sirena'
Masasaksihan natin ang pagpapatuloy ng kuwento ng 'Raya Sirena,' na pagbibidahan naman nina Sofia Pablo at Allen Ansay, sa darating na April 24.
'Raising Mamay'
Tampok din ngayong summer ang unang pagsasama nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava sa programang 'Raising Mamay.' Makakasama rin nila si Abdul Raman sa GMA Afternoon Prime series na magsisimula na sa April 25.
'Love You Stranger'
Ang inaabangang 'Love You Stranger' real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ay mapapanood na soon sa GMA Telebabad.
'Limitless: Rise'
Saksihan natin ang husay ni Julie Anne San Jose sa 'Limitless: Rise' concert ngayong April 9 and 10.