What's Hot

Kapuso idols: Manny Pacquiao at Alden Richards haharurot sa 'Motorcycle Diaries'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Alam niyo ba na hilig nina Pacman at Alden Richards ang pagmomotorsiklo?

Ngayong Huwebes, makakasama ni Jay Taruc ang dalawa sa pinakahinahangaang personalidad sa bansa, ang Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao at ang Kapuso Heartthrob at tinaguriang Primetime Prince na si Alden Richards! 
   
Makiki-road trip kay Jay ang nag-iisang pambansang kamao na si Congressman Manny Pacquiao. 
 
Nakilala sa larangan ng boxing ang "People's Champ" pero hindi alam ng karamihan na bukod sa boxing, hilig din ng Pambansang Kamao ang pagmomotorsiklo! Dahil sa pagsasanay at paghahanda sa kanyang mga laban, madalang na nga lang niya itong nagagawa. Kaya sa isang pambihirang pagkakataon, makaka-road trip ni si Manny. Haharurot sila mula General Santos City hanggang sa kapitolyo ng Saranggani. 
 
Madami naman ang kinikilig sa tuwing mapapanood sa telebisyon ang premyadong actor na si Alden Richards. Sa dami ng humahanga sa kanya, binansagan siyang Primetime Prince. Pero higit na mapapahanga ang kanyang fans kapag nalaman na ang kanilang idolo, marunong din palang magmotorsiklo! 

Sa isang natatanging road trip sa kanyang bayan sa Laguna, kayanin kaya ni Alden ang mag-alaga ng itik at mag-gatas ng kambing? Ilan lang ito sa hamon ni Jay na buong tapang na tinanggap ni Alden.
   
Kapit ng mahigpit sa natatanging road trip kasama ang ating mga idolo ngayong Huwebes (April 30) at 10 pm sa 2015  New York Festivals Bronze Medalist - 'Motorcycle Diaries' sa GMA News TV!