IN PHOTOS: Kilalanin ang cast ng 'The Penthouse 3'
Noong April 2021, napanood sa Philippine television ang hit Korean drama series na The Penthouse.
Dahil sa pagtangkilik ng Filipino viewers sa unang dalawang season nito, ngayon ay kasalukuyang ipinalalabas sa GMA Telebabad ang The Penthouse 3.
Kilalanin ang cast ng 'The Penthouse 3' sa gallery na ito:
Um Ki-joon as Dante
Ang sakim at walang pusong businessman na ex-husband ni Simone at kasalukuyang asawa ni Scarlet.
Lee Ji-ah as Simone
Ang may mabuting puso na ex-wife ni Dante at ina nina Stephanie at Spencer. Kasalukuyan siyang kasintahan ni Logan, ang adoptive brother ng namayapa niyang anak na si Anna.
Eugene as Cindy
Ang matapang at may paninindigan na ina ni Rona at ex-girlfriend ni Anton. Siya rin ang pinakamatinding kalaban ni Scarlet sa larangan ng musika.
Bong Tae-gyu as Joseph
Ang ganid na abogado na isa sa mga residente ng Hera Palace. Siya rin ang makulit na asawa ni Sarah at ama ni Michael.
Kim Hyun-soo as Rona
Si Rona ang nag-iisang anak ni Cindy. Mahusay siyang classical singer gaya ng kanyang ina, pero marami ang humadlang sa kanyang pangarap na maging tanyag na opera singer.
Choi Ye-bin as Camille
Ang unica hija nina Scarlet at Anton. Siya rin ang estudyanteng may matinding inggit kay Rona.
Park Eun-seok as Logan
Ang adoptive brother ni Anna Lee na kalaunan ay naging kasintahan ni Simone, ang biological mother ni Anna.
Park Ho-san as Philip
Ang ama ni Jenny at ang asawa ni Marie. Siya ay nakulong ng mahabang panahon upang saluhin ang krimen at masasamang ginawa ng businessman na si Dante.
Oh Joo-wan as Joaquin Baek
Ang itinuring na kapatid ni Dante na kalaunan ay inagawan niya ng pangalan at kayamanan.