#PusuanMo: All-time favorite Kapuso love teams
Sa loob ng maraming taon, GMA Network ang naging tahanan ng sikat na love teams sa TV at pelikula. Mga tambalang nagpakilig, nagpasaya, at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Kapuso.
Marami sa mga sikat na love teams na ito ang tunay na hinangaan at inidolo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa. Tulad ng tambalan at real-life couple na ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan at ang phenomenal tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala ng taumbayan bilang AlDub. Ang AlDub ay nagtala ng record-breaking following at engagement sa social media noong kasagsagan ng kanilang kasikatan.
Kahit pa marami na ngayon ang umuusbong na mga bagong love tandem, tiyak na nakatatak na sa puso ng maraming Pilipino ang on-screen partnership ng ilang Kapuso stars. Muling ma-in love sa kanilang nakakakilig na chemistry sa gallery na ito.
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Unang nagtambal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Filipino remake ng Mexican telenovela na 'MariMar' taong 2007. Minahal ng maraming pinoy ang on-screen chemistry ng dalawa kaya naman nagtuloy-tuloy ang kanilang tambalan sa iba pang mga TV at movie projects.
DongYan
Binansagang Kapuso Primetime King and Queen sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at ang kanilang on-screen partnership ay naging reel-to-real relationship. Ikinasal ang #DongYan taong 2014 at itinuring itong royal wedding sa Pilipinas.
Alden Richards and Maine Mendoza
Isa sa maituturing na pinakamatagumpay na love team ng bagong henerasyon ay ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa segment na 'Kalyeserye' ng longest-running noontime show na 'Eat Bulaga.'
AlDub
Hindi inaasahan na magiging "phenomenal love team" ang dalawa pero talagang ang kanilang on-screen chemistry ay nagpakilig hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa na nagtala pa ng record-breaking number of following at engagement sa social media.
Tom Rodriguez and Carla Abellana
From reel-to-real relationship din ang love story ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Una silang nagtambal sa seryeng 'My Husband's Lover' kung saan gumanap si Tom bilang Vincent ang husband ni Lally (Carla). Kasama ng dalawa si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Eric, ang lover ni Vincent.
TomCar
Pagkatapos ng matagumpay na pagbida sa serye, nasundan pa ang kanilang TV at movie projects nang magkasama dahil sa kanilang nabuong fandom. Naging bukas naman ang TomCar patungkol sa kanilang relasyon at bago matapos ang taong 2021 ay ikinasal ang dalawa.
Jak Roberto and Barbie Forteza
Sa rami ng naging on-screen partner ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza, ang aktor at tinaguriang "pambansang abs" na si Jak Roberto ang nanalo sa puso ng aktres. Matapos ang kanilang seryeng 'Meant to be,' itinuloy ni Jak ang pagiging malapit nila ni Barbie sa pamamagitan ng panliligaw.
JakBie
Nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon, naging instant favorite couple sila sa social media at nagpakilig pa sa maraming #JakBie fans.
Kylie Padilla and Ruru Madrid
Unang nagsama sina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa remake ng fantasy series na 'Encantadia' taong 2016. Dahil sa nabuo nilang chemistry bumida rin sila sa romantic-comedy series na 'Toda One I Love' taong 2019.
KyRu
Matapos ang ilang taon na paggawa ng magkahiwalay na TV at movie projects muling nagsama ang KyRu sa first episode ng 'Regal Studio Presents' ngayong 2022 na "My Fairytale Hero." Gumawa rin ng vlog ang dalawa matapos ang kanilang mini reunion kung saan ibinahagi ng dalawa na mas lumalim ngayon ang kanilang pagkakaibigan.
RitKen
Taong 2021, bumida sa una nilang pelikula na magkasama sina Ken Chan at Rita Daniela na pinamagatang 'Huling Ulan Sa Tag-Araw' kung saan kalahok pa ito sa 2021 Metro Manila Film Festival.