Top 10 most viewed Wish Ko Lang episodes of 2021
Balikan natin ang mga pumatok at pinag-usapang istoryang naitampok sa kauna-unahang wish-granting program na Wish Ko Lang.
Narito ang Wish Ko Lang stories na nagbigay inspirasyon at pag-asa noong 2021.
Bisita
January 23, 2021 episode
8.8 million views
Panibagong buhay na sana ang naghihintay sa mag-asawang Cristy (Angelu De Leon) at Ramil (Emilio Garcia) sa Maynila nang biglang umepal ang ex ni Ramil na si Marga (Arny Ross) at anak nitong si Melody (Elijah Alejo). Ang butihing amang si Ramil, may anak pala sa labas!
Babae Sa Basement
February 20, 2021 episode
49 million views
Magara at may kalakihan ang bahay ng naging amo ni Amanda (Maui Taylor). Sa simula ay tila wala namang magiging problema si Amanda sa kanyang amo na sina Marissa (Ashley Rivera) at Elmo (John Lucas), ngunit unti-unti siyang may mapapansin na kakaiba sa mag-asawa. Isa na rito ang bilin ni Marissa na bawal linisin ang kuwarto sa basement.
Maling Akala
March 6, 2021 episode
4.4 million views
Malaki ang pagsisisi nina Percy (Maureen Larrazabal) at Loida (Sue Prado) dahil pakiramdam nila na sila ang may kasalanan sa pagkamatay ni Aries at pagkawala ni Krystal. Lagi kasi silang nag-aaway tungkol sa lupa at nadadamay ang kanilang mga anak. Ang hindi nila inaasahan... biglang nagpakita si Krystal (Mikee Quintos) kasama ang nobyong si Aries (Kelvin Miranda) na buhay na buhay pa pala sa mismong lamay nila.
Babaeng Baboy Ramo
March 13, 2021 episode
6.7 million views
Pumayag si Ribby (Ashley Ortega) na sumama kay Noel (Arvic Tan) sa pag-aakalang mayroon itong malasakit sa kanya kaysa sa inang s Marivic (Lovely Rivero). Wala siyang kamalay-malay na gagawin pala siyang atraksyon sa perya.
Ang Tita Kong Kabit
April 10, 2021 episode
67 million views
Mabait at mapagmalasakit na kapatid si Myrna (Patricia Tumulak) kaya naman nang makaraos nang kaunti sa kanyang pananahi ay nagpasya siyang kuhanin mula sa probinsya ang half sister na si Vina (Janna Dominguez) para mapag-aral. Ang hindi alam ni Myrna, ang pagtulong sa kanyang kapatid ang sisira ng kanilang tahimik at masayang pamilya.
Sireno
April 17, 2021 episode
11 million views
Muntikan nang malagutan ng hininga si Mayet (Meg Imperial) matapos siyang malunod sa dagat. Mabuti na lang at may dumating para iligtas siya. Pero ang nagligtas sa kanya ay hindi raw tao, kundi isang sireno (Dave Bornea). Totoo kaya ito?
Pinugutan
January 16, 2021 episode
5.1 million views
Pagkatapos ng mahabang panahon na pagtitiis ni Marites (Kris Bernal) sa kanyang asawang si Pancho (Ahron Villena) na lulong sa masamang bisyo, nakahanap siya ng isang lalaking magmamahal sa kanilang mag-ina. Buong akala ni Marites ay matatapos na ang kanyang kalbaryo, ngunit bigla na lang nagpakita ang dati niyang asawa.
Triplets
May 22, 2021 episode
8.1 million views
Ang tanging hiling ng ina nina Carmen, Carina, at Cassandra (Rochelle Pangilinan) ay magkasundo na silang magkakapatid. Wala siyang kamalay-malay na iisang lalaki lang ang tuluyang sisira sa kanilang pamilya.
Biktima
June 19, 2021 episode
29 million views
Maraming pangarap si Beth (Elijah Alejo) na nais abutin kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral pero gumuho ang lahat ng ito nang dahil sa hindi inaaasahang pangyayari -- isang matinding trauma ang kanyang naranasan mula mismo sa mga kamay ng sarili niyang ama, kuya, at lolo.