IN PHOTOS: Scenes we will surely miss from 'Mr. Queen'
Sa pagtatapos ng Korean drama series na Mr. Queen, ilang Pinoy fans ang nakaabang kung ano ang mangyayari sa power couple na sina Kim So Yong at Haring Cheoljong sa gitna ng pakikipaglaban sa loob ng palasyo.
Ngunit bago ang nalalapit na pagtatapos nito, balikan natin ang ilang eksena sa Mr. Queen na nagpaiyak at nagpakilig sa mga manonood sa gallery na ito.
Royal wedding
Labis ang kaba at pagkairita ni Kim So Yong nang malaman na siya pala ay nakatakdang ikasal sa isang hari.
Identity crisis
Habang nagsasanay na matutunan ang ilang bagay na konektado sa bagong katauhan, ilang beses na nagpapansin si Kim So Yong sa mga kababaihan sa loob ng palasyo.
Ultimate goal
Kahit unti-unti nang nasasanay sa kanyang bagong buhay sa katawan ng isang reyna, ilang beses pa ring sinubukan ni Kim So Yong na tumalon sa lawa upang makabalik sa tunay niyang katawan.
In denial
Kahit ilang beses pang sinubukan ni Kim So Yong na umiwas kay Haring Cheoljong, tila hindi pa rin maikakaila na siya ay nagsimula nang umibig sa hari.
Sweetness overload
Sa kabila ng hindi maayos na pakikitungo sa isa't isa noong una, unti-unting nagbago ang ihip ng hangin at naging mas komportable na sila sa kanilang buhay bilang mag-asawa.
About to kiss
Nang tuluyan nang mahulog ang loob sa isa't isa, hindi na napigilan ng hari at reyna ang kanilang mga nararamdaman.
Jo Hwa-jin's anger
Dahil sa labis na pagseselos sa reyna at hari, hindi na napigilan ni Jo Hwa-jin na hamunin sa isang laban si Kim So Yong.
Pregnancy
Naaalala niyo ba ang reaksyon ng reyna nang malaman niyang siya ay nagdadalang-tao? Napasigaw at naiyak si Kim So Yong dahil sa mga nangyayari sa kanya sa kabila ng identity crisis na nararanasan niya.
Bonding moments
Habang namamasyal sa labas ng palasyo, bigla na lamang hinawakan ng reyna ang kamay ng hari. Tila mas naging malambing si Kim So Yong kay Haring Cheoljong dahil sa kanyang kundisyon.
Together again
Nang bigla na lamang nawala ang hari, labis na nabahala ang reyna kaya nagdesisyon siyang tumakas sa palasyo upang hanapin ito.
Sa gitna ng paglalakbay, ilang mapapait na karanasan ang pinagdaanan ng hari at reyna habang sila ay magkalayo.
At sa gitna ng kawalan ng pag-asa, hindi inaasahan nina Kim So Yong at Haring Cheoljong na magtatagpo silang muli.
Samantala, kilalanin ang cast ng 'Mr. Queen' sa gallery na ito: