IN PHOTOS: Jean Garcia through the years
Sa nakalipas na tatlong dekada, patuloy pa rin tayong pinapahanga ni Jean Garcia dahil sa walang kupas at husay niya sa pag-arte.
Naging co-host ang aktres ni Master Showman German "Kuya Germs" Moreno sa variety show na 'That's Entertainment' noong 1986.
Bago pa man maipamalas ang talento niya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon, naging host si Jean sa 'GMA Supershow' at 'Student Canteen' noong 1987.
Sa kasalukuyan, mahigit 15 taon nang loyal na Kapuso si Jean. Huli siyang napanood sa GMA Primetime series na 'First Yaya' bilang si Christine Acosta, ang pumanaw na asawa ni President Glenn Acosta.
Jean Garcia
Ipinanganak si Rosario Rodriguez Maitim o mas kilala bilang Jean Garcia noong August 22, 1969 sa Angeles, Pampanga.
Dekada '80
Nagsimulang mapanood sa telebisyon si Jean Garcia noong 1980s kung saan napasama siya sa ilang pelikula tulad ng 'Summer Holiday,' 'Lost Command,' 'Impaktita,' at 'Huwag Kang Hahalik sa Diablo.'
Host
Noong 1980s, naging co-host si Jean Garcia ni Master Showman German "Kuya Germs" Moreno sa variety show na 'That's Entertainment.' Gayundin, naging host siya sa 'GMA Supershow' at 'Student Canteen.'
Dekada '90
Noong 1990s, ipinakita ni Jean Garcia na hindi lang siya pang pelikula at host dahil napasabak din siya sa drama at aksyon sa ilang serye tulad sa 'Valiente,' 'Familia Zaragoza,' at 'Pangako Sa 'Yo.'
Kapuso
Mahigit 15 taon na ngayong Kapuso si Jean Garcia. Ilan sa kilalang serye niya sa GMA ay ang 'Dyesebel,' 'One True Love,' 'The Half Sisters,' 'Kambal, Karibal,' 'The Gift,' at 'First Yaya.'
Awards
Noong 2012, kinilala bilang "Best Supporting Actress" si Jean Garcia sa Gawad Urian Awards para sa pelikulang 'Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.' Gayundin, naiuwi niya ang titulong "Best Performance by an Actress in a Leading Role" sa Golden Screen Award para sa kaparehong pelikula.
Mom
Isang proud mom si Jean Garcia sa dalawa niyang anak na sina Jennica Garcia, 31, at Kotaro Shimizu, 19.