Naging usap-usapan kung nagkasama nga ba ang former couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Balesin kamakailan matapos makita ang ilang litratong ibinahagi nila sa social media.
Ibinahagi ni Jennylyn sa kanyang Instagram ang kuha niya ng magandang tanawin sa naturang exclusive island resort.
Sa ulat ng Unang Hirit ay wala pang pahayag sina Jennylyn at Dennis tungkol dito ngunit matagal nang maugong ang balitang tila nagkakamabutihan ang dalawa.