Article Inside Page
Showbiz News
Ano ang koneksyon ng Miss World experience ni Megan sa kanyang pag-aartista muli?
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Sa
pagbabalik Kapuso ni Miss World 2013 Megan Young ay muli siyang sasabak sa hosting at acting. Matagal man daw siyang hindi nakaarte dahil sa kanyang tungkulin bilang Miss World ay malaki naman daw ang maitutulong nito sa kanyang muling pag-aartista.
"Yes, definitely it has helped me. Kasi mas may lalim dahil nakakausap ko firsthand ang mga tao. I think it's very important na hindi mo lang nakikita, iniintindi mo rin. Kinikilala mo rin ang mga taong ito, kung ano talaga ang nararanasan nila," pahayag ng StarStruck Season 2 alumna.
Ang kanyang exposure sa iba't-ibang kultura ang kanyang magiging alas sa mundo ng showbiz.
"Ang pinakaimportanteng exposure na nangyari is my exposure to different situations, different cultures, kung ano ang nangyayari sa bansa ng iba. Kasi ako, nakikita ko kung ano ang nangyayari sa Pilipinas. I know what the Filipinos go through in all different classes. But to see what happens in other countries like Haiti or Colombia, or the USA, the UK, iba-ibang level tayo ng pangangailangan. Siyempre iba talaga ang poverty sa Pilipinas, and the poverty in other countries may be luxury to some other people. It's really about understanding and not judging what people go through."
Pagdating naman sa roles na gusto niyang gampanan, hindi naman mapili si Megan. Does this mean that she is considering daring characters?
"Open naman ako sa lahat ng puwedeng mangyari. Willing ako mag-try ng iba-iba. Puwede rin ako mag-try ng comedy. Bakit mo ili-limit ang sarili mo sa hindi mo alam kung kaya mo? Of course, more sensitive lang when it comes to showy-showy. I'm sure naman I won't be put in a bad light if ever something a bit more daring comes up."