Meet GMA's mga 'Kuya ng Kaalaman'

Sila ang mga Kuya na napapanood natin sa ating mga telebisyon. Mga Kuya na naghahatid sa atin ng kaalaman sa agham, sports, kasaysayan, turismo, mga uri ng hayop, at marami pang bagay na dapat nating malaman patungkol sa ating mundo.
Karamihan sa kanila ay nasagot na ang maraming tanong sa ating mga isipan. Bakit ganito? Bakit ganyan? Sa katunayan, hindi man natin sila lubusang kilala, tiyak naman na kapag narinig natin ang kanilang pangalan alam natin kung anong programa ang kanilang kinabibilangan.
Kilalanin natin ang mga "Kuya ng Kaalaman" na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa marami nating mga Kapuso.






