Wendell Ramos's son Saviour is the next leading man to watch for
Malakas ang tulak ng show business, kaya hindi nakapagtataka na sumunod sa yapak ni Wendell Ramos ang anak niya sa dating partner na si Jet Magdangal.
Kabilang si Saviour sa mga bagong celebrities na pumirma sa Signed for Stardom event ng Sparkle GMA Artist Center noong September 2021. Nagpasalamat ang 23-year-old hunk nang siya'y maging isang Kapuso star.
Saad niya, “Sobrang excited po ako ipakita kung ano [ang] kaya [kong] gawin and at the same time sobra excited po to grow here sa GMA family.”
Si Saviour ay lumabas na sa ilang Kapuso shows gaya ng 'Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love' at naging special guest sa award-winning gag show na 'Bubble Gang.' Ngayong taon, mapapanood si Saviour bilang Ape sa miniseries na 'Raya Sirena' kasama sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Bukod dito, isa rin si Saviour sa 17 young and fresh faces ng Sparkada, ang pinakabagong youth-oriented group ng GMA Network.
Kilalanin si Saviour Ramos sa gallery na ito.
Signed for Stardom
Isa siya sa mga pumirmang artista sa Signed for Stardom event ng GMA Artist Center.
Education
Before signing with GMA Artist Center, Saviour Ramos was taking up a Tourism course at the PATTS College of Aeronautics.
Hobbies
Ilan sa mga hobbies at activities ni Saviour Ramos ay basketball, singing and writing songs, boxing, swimming, travel, football, at volleyball.
Dream project
Ayon kay Saviour Ramos, ang dream project niya ay ang pagiging lead actor sa isang drama.
Favorite actors
Ang kaniyang ama na si Wendell Ramos, at sina Denzel Washington, Leonardo Di Caprio, Johnny Depp, at Joshua Garcia ang mga aktor na kaniyang hinahangaan.
"Because they have the best acting skills for me and they are my role models in acting."
Blessing
Masaya raw si Saviour Ramos na mapabilang sa mga artista ng GMA Artist Center.
"I feel very blessed po dahil mabibigyan po ako ng chance to show everyone kung ano po makakaya ko. Sobrang excited po ako ipakita kung ano kaya ko gawin and at the same time sobra excited po to grow here sa GMA family... I promise to be always ready po and give my 100% when it comes to working."
Bubble Gang
Naka-focus din si Saviour na sundan ang yapak ng ama at maging parte ng flagship gag show ng GMA-7 na 'Bubble Gang.' Kuwento ng binata sa GMANetwork.com, “Ako po ang dream ko po ngayon, ang pinaka-goal is mag-regular sa 'Bubble Gang.' Gusto ko po talaga, ako 'yung next. Ako 'yung susunod kay Wendell Ramos, ako po si Saviour Ramos. So, gusto ko rin ma-showcase yung talent ko, kasi doon sobrang blessing po 'yun for me na maging part po ng 'Bubble Gang' family.”
Music
Sa taong 2022, gusto rin ni Saviour pagtuunan ng panahon ang workshop niya pagdating sa music, dahil sumusulat din siya ng sarili niyang kanta.
Raya Sirena
Binibigyang buhay ni Saviour ang karakter bilang Ape, isang merman na magiging gabay ni Raya (Sofia Pablo) sa ilalim ng dagat, sa miniseries na 'Raya Sirena.'
Sparkada
Kabilang si Saviour sa 17 young and fresh faces ng pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network, ang Sparkada.
Talented
Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, mahilig din sa musika si Saviour at mayroon na siyang inilabas na tatlong singles.