IN PHOTOS: Meet the cast of the hit K-drama 'The Penthouse'
Napanood sa Philippine television ang isa sa mga seryeng pinagkaguluhan sa South Korea, ang 'The Penthouse.'
Dahil sa suportang ibinigay ng Filipino viewers sa unang season nito, ngayon ay kasalukuyang ipinalalabas sa GMA Telebabad ang 'The Penthouse 2.'
Tampok dito ang mga pamilyang nakatira sa 100-story luxury apartment, ang Hera Palace.
Sa paninirahan ng mga residente sa Hera Palace, marami ang naiinggit at tumitingala sa kanila dahil isa itong sukatan kung gaano kalakas ang kanilang impluwensiya sa lipunan.
Umiikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na makabilang ang kanilang mga anak sa mga tinitingalang estudydante sa Cheong-ah Arts School.
Parte rin ng istorya ay ang labanan para sa kapangyarihan, reputasyon, pangarap, edukasyon, pamilya at pati na rin sa pag-ibig.
Sa huling linggo ng 'The Penthouse 2,' isa-isa nang sisingilin ang mga taong hindi patas lumaban.
Kilalanin ang cast ng 'The Penthouse' sa gallery na ito:
Cindy
Ang award-winning actress na si Eugene ang gaganap sa role ni Cindy, ang ina na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya maibigay lamang sa anak niyang si Rona ang marangyang buhay na pinapangarap nito.
Simone
Si Lee Ji-ah naman ang gaganap bilang si Simone, ang mabait na asawa ni Dante. Nakatira sila sa 100th floor ng Hera Palace at tinitingala sila ng ibang pamilya sa naturang luxury apartment.
Scarlet
Gagampanan ni Kim So-yeon ang karakter ni Scarlet, ang itinuturing na pinakasikat at pinakamagaling na opera singer sa South Korea. Siya rin ang itinuturing na queen bee ng Hera Club.
Dante
Si Um Ki-joon ang gaganap sa role ni Dante, ang asawa ni Simone at negosyanteng handang gawin ang lahat sa ngalan ng ambisyon kahit pa makuha niya ito sa masamang paraan.
Anton
Gaganap naman sa karakter ni Anton ang aktor na si Yoon Jong-hoon. Isa siyang doktor at asawa ni Scarlet.
Marie
Sa pag-aasam na maipasok ang anak niyang si Jenny sa Cheong-ah Arts School, gagawin ni Marie Kang ang lahat ng makakaya, kahit pa bilhin ang dignidad ng school principal para lamang sa ambisyon niya at ng kanyang anak. Gagampanan ng aktres na si Shin Eun-kyung ang karakter ni Marie.
Joseph
Ang well-loved actor na si Bong Tae-gyu ang gaganap sa role ni Joseph Lee, ang ganid na breadwinner ng isa sa mga pamilyang nakatira sa Hera Palace. Isa siyang abogado.
Rona
Si Rona ang nag-iisang anak ni Cindy. Mahusay siyang classical singer gaya ng kanyang ina na si Cindy, pero marami ang hahadlang sa kanyang pangarap na maging tanyag na opera singer. Gagampanan ni Kim Hyun-soo ang karakter ni Rona.
Camille
Si Camille, gagampanan ni Choi Ye-bin, ang unica hija nina Scarlet at Anton. Gaya ng kanyang ina, gusto niyang maging sikat na opera singer at tutulungan siya ni Scarlet na maabot ang pangarap niyang ito kahit ano pa ang magiging kapalit.
Spencer
Ang aktor na si Kim Young-dae naman ang gaganap sa role ni Spencer, anak ni Dante sa una niyang asawa. Hindi maganda ang relasyon niya kay Dante.
Stephanie
Kakambal ni Stephanie si Spencer at ito lamang ang taong pinagkakatiwaalan niya. Dahil hindi mahanap ang kalinga na ninanais niyang makuha sa kanyang pamilya, lumaking matapobre, spoiled, at bully si Stephanie. Ang aktres na si Han Ji Hyun ang gaganap sa role ni Stephanie.
Jenny
Ang Korean actress naman na si Jin Ji Hee ang gaganap bilang si Jenny. Galing siya sa maimpluwensiyang pamilya at lumaking spoiled at bully din ito. Si Rona ang pinakamabigat niyang karibal sa pagpasok sa Cheong-ah Arts School.
Michael
Si Michael ang spoiled at bully na anak nina Joseph Lee at Sarah Go. Gagampanan ni Lee Tae-vin ang karakter na ito.
Anna Lee
Isang orphan si Anna Lee at hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan niya habang lumalaki. Gaya ng ibang mga batang cast sa serye, nangangarap din siyang makapasok sa Cheong-ah Arts School at makilala bilang isang tanyag na opera singer. Ginampanan ni Jo Soo-min ang karakter na ito.