IN PHOTOS: Kapuso shows na muling minahal ng mga manonood
Dahil sa COVID-19 pandemic, halos tumigil ang mundo sa pag-ikot nang kinailangang magsara ng maraming kumpanya upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Isa sa pinakamatinding naapektuhan ng pandemic ay ang entertainment industry nang panandaliang tumigil ang produksyon ng mga pelikula at TV series upang maiwasan ang pagsasama-sama ng maraming mga tao.
Dahil dito, may ilang TV series na muling ipinalabas sa TV tulad ng 'My Husband's Lover,' 'Encantadia,' 'Ika-6 na Utos,' 'My Korean Jagiya,' 'Stairway to Heaven,' at 'Temptation of Wife.'
Nakipag-partner din ang video-streaming site na YouTube sa ilang production company para maging available sa iba't ibang channel ang mga piling pelikulang Pilipino at TV series.
Ilan sa in-upload ng GMA Network bilang parte ng Super Stream ay ang full episodes ng '90s youth-oriented show na 'T.G.I.S.,' at 'The Half Sisters.'
Available rin ang full episodes ng ilan sa mga tumatak na serye ng GMA Network tulad ng 'Amaya,' 'Super Twins,' at 'Majika.'
Dahil sa teknolohiya, nagkaroon ng pagkakataon ang ilan na muling mapanood ang iba't ibang teleserye.
Bago matapos ang 2020, balikan sa gallery na ito ang iba't ibang teleserye na tatak Kapuso na muling minahal ng mga tao.
My Husband's Lover
Muling tinutukan ng mga manonood ang pagmamahalan nina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo) nang ipalabas sa primetime ang 'My Husband's Lover.' Maituturing na groundbreaking ang 'My Husband's Lover' dahil ito ang kauna-unahang gay-themed drama sa Pilipinas na unang umere noong 2013.
Amaya
Tumatak din ang period drama series na 'Amaya' na pinagbidahan ni Marian Rivera bilang si Amaya, ang prinsesang may kakambal na ahas. Available na sa YouTube channel ng GMA Network ang full episodes ng 'Amaya' at napapanood rin ito sa Heart of Asia Channel.
Encantadia
Patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga tao sa requel ng telefansyang 'Encantadia' na pinagbidahan nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro. Kasalukuyang umeere ang 'Encantadia' tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Temptation of Wife
Tinututukan pa rin ng mga manonood ang Pinoy adaptation ng South Korean drama na 'Temptation of Wife' na pinagbidahan nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at Rafael Rosell. Kasalukuyang umeere ang 'Temptation of Wife' tuwing umaga bago mag-'Eat Bulaga!'
Ika-6 na Utos
Namamayagpag pa rin sa telebisyon ang 2016 series na 'Ika-6 na Utos' na mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime. Ginampanan nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion ang mag-asawang sina Emma at Rome.
Meant to Be
Ngayong quarantine, ipinalabas ang primetime series na 'Meant to Be' na pinagbidahan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza kasama sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner.
Kambal, Karibal
Muli ring minahal ng mga manonood ang 'Kambal, Karibal' na pinagbidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
One True Love
Bago pa makilala bilang Asia's Multimedia Star, pinamalas na ni Alden Richards sa 2012 series na 'One True Love' ang kanyang galing sa pag-arte kung saan nakapareha niya si Louise Delos Reyes. Muling ipinalabas ang 'One True Love' sa GMA Afternoon Prime.
My Korean Jagiya
Natutuwa at kinikilig pa rin ang mga manonood sa 2018 series na 'My Korean Jagiya' na pinagbidahan ni Heart Evangelista at Alexander Lee. Kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad ang 'My Korean Jagiya' pagkatapos ng 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).'
Stairway to Heaven
Muli namang nagpakilig sina Dingdong Trillo at Rhian Ramos bilang Cholo at Jodi sa Pinoy adaptation ng 'Stairway to Heaven.'
T.G.I.S.
Natuwa naman ang '90s kids nang i-upload ang full episodes ng youth-oriented show na 'T.G.I.S.' sa YouTube channel ng GMA Network.
Super Twins
'Kapangyarihan ng araw, taglay ay liwanag!' Naaalala n'yo pa ba ang kambal na sina Super S at Super T na binigyang buhay nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte? Muling nagbigay aliw sa mga bata ang 'Super Twins' (na mapapanood sa Heart of Asia Channel.
Majika
Major throwback naman ang telefansya na 'Majika' na unang umere noong 2006 kung saan bumida sina Angel Locsin at Dennis Trillo bilang ang mga salamangkerong sina Sabina at Argo.
The Half Sisters
Halu-halong emosyon naman ang naramdaman ng netizens nang i-upload ang drama na 'The Half Sisters' na pinagbidahan nina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa YouTube.