IN PHOTOS: Couples at love teams na tampok sa GMA Christmas Station ID 2020
Tampok sa Christmas Station ID ng GMA Network ngayong 2020 ang mensahe ng pagkakaisa at pagmamahalan, kaya naman ang ilang Kapuso real-life couples and love teams ang napabilang dito.
Mula kina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera hanggang sa love team nina Rita Daniela at Ken Chan, talaga namang napadama ang pagmamahalan ngayong Kapaskuhan.
Tingnan ang ilang couples at love teams na lumabas sa Christmas Station ID ng GMA Network na “Isang Puso Ngayong Pasko.”
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Bida ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Christmas Station ID kung saan pinasalamatan nila ang frontliners at first responders.
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Mula sa kanilang tahanan, bumati ng Maligayang Pasko ang real-life couple na Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Tom Rodriguez and Carla Abellana
Sino ba ang hindi kikiligin sa tinginan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa litratong ito?
Khalil Ramos and Gabbi Garcia
Kilig to the bones ang hatid ng real-life couple na #GabLil o Gabbi Garcia at Khalil Ramos ngayong taon!
Mikael Daez and Megan Young
A couple with the most perfect view ang eksena nina Mikael Daez at Megan Young sa Christmas Station ID.
Jak Roberto and Barbie Forteza
May social distancing man, alam ng lahat ng JakBie fans na walang makapipigil sa pagmamahalan ng dalawang Kapuso stars.
Pancho Magno and Max Collins
Ipinadala nina Pancho Magno and Max Collins ang kanilang mensahe sa frontliners ngayong Kapaskuhan.
Kelvin Miranda and Mikee Quintos
Handa ka na bang makita sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa darating na seryeng 'The Lost Recipe?'
Ken Chan and Rita Daniela
Good vibes ang hatid nina Rita Daniela at Ken Chan sa Christmas Station ID.
Jeric Gonzales and Klea Pineda
Makikita muli ang love team nina Klea Pineda at Jeric Gonzales sa pagbabalik ng 'Magkaaagaw' sa telebisyon.