Walang pagsidlan ng tuwa ang tinaguriang power couple na sina Senator Francis Joseph ‘Chiz’ Escudero at Kapuso actress Heart Evangelista kahapon (February 15) matapos ang dream wedding nila sa luxury island resort na Balesin.
Pero isa sa mga umagaw ng pansin sa wedding ceremony ang Ismol Family actress Carla Abellana na isa sa mga bridesmaids ni Heart. Litaw ang ganda ng mestiza beauty sa kanyang pink dress na likha ng car racer-turned-fashion designer Mark Bumgarner.
Higit na pinagusapan ang dalaga matapos ma-reveal ang date niya para sa wedding reception na si Kapuso hunk Tom Rodriguez. Sa Instagram post ni GMA reporter Nelson Canlas kagabi, nakangiti ang dalawa nang nagpakuha ito ng litrato.