IN PHOTOS: Kapuso stars na kumanta ng 2020 GMA Network Christmas Station ID
Nag-record man sila sa studio o sa kanilang sariling bahay, hindi pinalampas ng ilang Kapuso singers na maghatid ng pag-asa sa mga Pilipino ngayong taon.
Gamit ang kanilang angking talento sa pagkanta, inawit ng ilang talents ang theme song ng GMA Christmas Station ID na “Isang Puso Ngayong Pasko” na isinulat ni Natasha Correos.
Mula kina Julie Anne San Jose hanggang kay Christian Bautista, kilalanin ang mga boses sa likod ng GMA Christmas Station ID 2020.
Julie Anne San Jose
Isa sa mga nagbahagi ng kanyang boses sa Christmas Station ID ang Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose.
Aicelle Santos
Nakikanta rin ng “Isang Puso Ngayong Pasko” si Aicelle Santos kahit nasa bahay lamang.
Maricris Garcia
Hindi nagpahuli si Maricris Garcia sa pagkanta ng Christmas Station ID theme song kasama si Santa Claus.
Golden Cañedo
Isa si 'The Clash' Season 1 Grand Champion sa mga Kapuso performers ng Christmas Station ID.
Rita Daniela
All-out performance ang hatid ni Rita Daniela sa pagkanta ng “Isang Puso Ngayong Pasko.”
Christian Bautista
Game na game rin ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa pagkanta.