Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

LJ Reyes on her first stage play: 'Sobrang naninibago ako pero I'm very excited.'

Updated On: October 4, 2020, 07:28 PM
Kabilang ang Kapuso actress sa stage play na "Juego de Peligro' na ipapalabas simula ngayong buwan.
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com
 
Dahil sa telebisyon nagsimula, maituturing ni LJ Reyes na panibagong career ang pagpasok niya sa mundo ng teatro. Kabilang ang Yagit star sa cast ng Juego de Peligro. Ipapalabas ang stage play na ito simula February 20 hanggang March 8 sa Cultural Center of the Philippines.
 
“First time talaga, first time ko sa theater. Feeling ko para akong preschool na papasok sa school na wala talagang idea with what's gonna happen and with what I'm gonna learn inside the theater,” pahayag ng Afternoon Prime star.

Aminado naman si LJ na talagang nangangapa pa siya sa bagong career. Malaking tulong na raw ang ibinigay sa kanya ni Direk Jun Lana habang ginagawa nila ang indie film na Anino sa Likod ng Buwan noong nakaraang taon.
 
Aniya, “Buti na lang 'yung indie na ginawa ko for Direk Jun Lana, it's a mix of film and theater discipline. So medyo na-practice ako nang kaunti doon sa discipline ng rehearsal before shooting the scene.”
 
“Ito naman, since play, kapag nag-take na [ay] dire-diretso na 'yon. Long shots kasi 'yon so hindi pa rin siya talaga play so sobrang naninibago ako pero I'm very excited,” dagdag pa ni LJ.
 
Ayon kay LJ, noong nakaraang taon pa mayroong nag-offer sa kanya na subukan ang teatro. Tanging ang schedule lang daw niya ang may problema noon kaya’t hindi ito natuloy.
 
“I'm so blessed na naayos 'yung schedule for this year kasi mahirap din naman talaga. Siyempre ayoko rin naman i-risk na hindi ako makakapunta sa rehearsals and parang half-baked akong tutungtong sa stage. It's going to be my first so I want to give it like 200 percent of my craft,” anang Yagit star.
 
Kung ikukumpara raw sa TV at pelikula, malaki talaga ang pagkakaiba ng teatro bukod sa live mo itong ipe-perform sa stage. Saad ni LJ, “Mayroon kaming mga brainstorming na nangyari like comments, feedback, and suggestions. So nakakatuwa kasi mayroon pa lang ganoon before you start the project sa theater."
 
 

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) on

 
Gagampanan ni LJ ang character ni Señora Teresa at makakasama niya ang kapwa Kapuso actress na si Shamaine Buencamino sa Juego de Peligro.

Ano pang ibang bagay ang pinagkakaabalahan ni LJ ngayon?

ARTICLE: LJ Reyes, pinagsasabay-sabay ang TV, pelikula at teatro ngayong 2015 
ARTICLE: LJ and Chynna ink exclusive contracts with Kapuso Network!
PHOTOS: "LJ Reyes is better than ice cream"
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.