Article Inside Page
Showbiz News
Find out why Heart and Senator Chiz scrapped their honeymoon plans.
By AEDRIANNE ACAR
14 days to forever!
Ilang tulog na lang at magaganap na ang much-awaited wedding nina Kapuso host/actress
Heart Evangelista at Senator Francis Joseph ‘Chiz’ Escudero sa Balesin Island Club resort.
Bagamat busy na sa preparations, hindi makikitaan ng stress ang soon-to-be Mrs. Escudero. Sa katunayan glowing at very happy si Heart.
Sa panayam sa kanya ng
24 Oras, nagbahagi pa ito ng ilang beauty tips para sa mga tulad niyang malapit ng
ikasal.
Ayon sa aktres maraming tulog at inner peace raw ang susi para lumitaw ang ganda ng isang bride.
Aniya, “A lot of sleep and really just having inner peace and time with your loved ones and friends so 'yun lang just enjoy the moment and your happiness will shine.”
Binigyan din siya ng magiging ninang niya sa kasal na si Dr. Aivee Teo ng isang bridal shower kung saan dumalo ang mga kapatid at pinsan ni Heart.
“I feel super-duper flattered every time they come up and they do something for you,” saad ng Kapuso prized talent.
Tinanong din siya kung saan ba ang honeymoon nila ni Chiz after their wedding. Tugon niya wala na raw muna silang honeymoon for the meantime dahil kakapunta pa lang nila sa Paris, France.
Saad ni Heart, “Set aside muna ang honeymoon. Huwag muna, nakapag-Paris na naman kami so hintayin na lang namin ‘yung time na libre siya at libre ako and then puwede na siguro kaming maglakbay.”