Article Inside Page
Showbiz News
Silipin ang make-up transformation nila Marian, Jose at Wally.
By AEDRIANNE ACAR
Trending ang pakulo ng mga Dabarkads kahapon sa grand finals ng GGSS
(Gayang, Gaya, Siyang Siya!).
Itinanghal na champion ang impersonator ni Beyonce na si Beyon-Say My Name Say My Name!.
Pero hindi rin nagpatalo ang mga Sugod Bahay Gang na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Kapuso Primetime Queen, Ms. Marian Rivera.
Sa katunayan ginaya nila ang sikat na grupo na The Black Eyed Peas.
Base sa photos na in-upload sa official Facebook account ng
Eat Bulaga effortless ang paggaya ng tatlo sa Grammy winning group.
Halos hindi naman makilala si Marian dahil kopyang-kopya nito ang itsura ng pinoy pride na si Allan Pineda Lindo or more popularly known as apl.de.ap.
The Black Eyed Peas are behind the hit songs like ‘Where is The Love?’, ‘My Humps’ and ‘Pump It.’