Filtered By: Showbiz News | News
Kuya Germs, unti-unting nakaka-recover sa mild stroke
Published On: January 5, 2015, 04:53 PM
Updated On: March 20, 2020, 09:40 AM
Dinala si Kuya Germs sa St. Luke’s Medical Center noong January 2 dahil sa mild stroke na dulot daw ng overfatigue. Kumusta na ang kanyang kalagayan?
By CHERRY SUN

Dalawang araw matapos makaranas ng mild stroke ay bumubuti na ang kalagayan ng batikang manager, TV actor at host na si German Moreno.
Ayon sa kanyang anak na si Federico ay nakakakain na ng maayos at nakakatulog na ng mahimbing si Kuya Germs, pero hindi pa raw nito nagagalaw ang kanyang kanang kamay at mga daliri.
Ang mabuting balita ay ibinahagi rin sa Twitter ng DZBB Super Radyo kung saan kabilang ang Master Showman sa kanilang mga anchor.
DZBB Anchor German Moreno, nakaranas ng mild stroke. Pero nasa mabuti nang kalagayan ngayon, ayon mismo sa kanyang staff.
— DZBB Super Radyo (@dzbb) January 3, 2015
Nagpahatid ng kanilang mensahe at dasal ang ilan niyang kasamahan sa showbiz.
Ani Jaya, “Kailangan magpagaling ka agad. Just take your time, 'wag masyadong magmadali.”
“I’ll pray for you, for your fast recovery. We love you,” saad naman ni Keempee de Leon.
Dinala at na-confine si Kuya Germs sa St. Luke’s Medical Center noong January 2 dahil sa mild stroke na dulot daw ng overfatigue.
Related Videos