What's Hot

Manilyn Reynes spoils her kids on Christmas

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 2:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Ang Pasko daw ay para sa mga bata, kaya kahit ano man ang hingin ng mga anak ni 'Once Upon A Kiss' star Manilyn Reynes ay binibigay niya.
By MICHELLE CALIGAN

Ang Pasko daw ay para sa mga bata, kaya kahit ano man ang hingin ng mga anak ni Once Upon A Kiss star Manilyn Reynes ay binibigay niya.

"Nandiyan siyempre ang materyal na bagay bilang mga bata 'yan. I think those are things na hindi mo naman sasabihin na 'Hindi na anak, ito na lang', bata kasi. Ang Pasko para sa kabataan, basta happy sila. Kung may mga bagay na puwedeng ibigay, bakit hindi?" pahayag niyang nang aming tanungin kung ano ang gusto niyang iregalo sa kanyang pamilya this Christmas.

Dagdag pa niya, "Mga kabataan naman ngayon, alam mo naman, puro games, gaming. Ako din naggi-games, kaya natural mayroong games. Definitely may games (laughs)."

She also revealed what gifts she is planning to give to each of her three boys.

"'Yung three-year old ko, iba pa ang mga iniisip niya, toys pa 'yan. Ito namang si panganay, 18 na, siguro dahil Multimedia Arts [ang course niya], something to do with his course. Ito namang si gitna ko, who plays the guitar, so baka mas ma-gadget sa musika, something like that. Pero definitely may laro."

 

Hello to all ???????? Kulitan with my boys???????????? Salamat po for your likes and comments on all my posts ????????????Ito po't kanya-kanyang reaction na naman ???????????? Enjoy the rest of the evening with the whole family po ????????????????

A photo posted by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on


Hindi ba siya natatakot na baka maging spoiled ang kanyang mga anak?

"Ano'ng gagawin natin, eh bata ang mga 'yan. Kung puwede nga lang ako humihingi ng doll, hihingi ako. Maganda kapag nakikita mo ang mga kabataan na, just like us before, kahit ang liliit ng mga binubuksan ko, ang feeling ko napakarami," sagot niya.