Article Inside Page
Showbiz News
Paano tinulungan si Andrea Torres ng kanyang 'Ang Lihim ni Annasandra' love team na si Mikael Daez to achieve a super sexy body for the cover of FHM? Andrea tells all.
By CHERRY SUN
Pagkatapos ng limang taong panliligaw ng men’s magazine ay pumayag na ang
Ang Lihim ni Annasandra lead star Andrea Torres na mag-pose para sa FHM. At isa raw sa mga nagbigay suporta sa kanya ay ang ka-love team na si Mikael Daez.
Ayon sa aktres, ito ang kanyang paraan para markahan ang ika-limang taon niya sa industriya.
“Gusto ko kasi 'pag nag-FHM ako, hindi ‘yung parang, ‘Ay bitin.’ ‘Yung ganun, ‘yung balot na balot or walang pasabog,” bungad niya sa 24 Oras.
“So i-a-assure ko naman kayo na merong pasabog and worth it naman ‘yung paghintay,” saad ng aktres.
Ginanap ang kanyang sexy photo shoot sa isang resort sa Zambales. Isang buwan daw siyang naghanda para makamit ang nais niyang bikini body para rito.
“From taping nag-gi-gym ako kahit wala pa akong tulog. May diet na rin,” ani Andrea.
Napaka-supportive raw ni Mikael sa kanyang paghahanda.
Kuwento niya, “Palagi niyang chinecheck ‘yung katawan ko. ‘Patingin nga, sobrang payat na ba ‘yan? O dagdagan mo pa ng muscle dito’. Lagi siyang ganun.”
“‘Anong kinakain mo?’ Concerned din siya nung time na sumobra payat ako. ‘Di ko gusto, sobrang payat mo na. Palaman ka.’ Ganun siya. Nakakatuwa talaga,” patuloy niya.