Celebrity couples na tumulong sa COVID-19 crisis
Narito ang ilang celebrity couples na gumawa ng paraan para makapaghatid ng tulong sa mga kapwa Pinoy ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (EQC), buong Luzon dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Dra. Vicki Belo and Hayden Kho
Sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay isa sa celebrity couples na agad na naghatid ng tulong sa ating frontliners.
PPE from Belo
Agad na ipinadala ng Belo team ang kanilang personalized protective equipment o PPE para sa health workers sa Rizal Medical Hospital, Research Institute for Tropical Medicine, Philippine General Hospital, Jose Reyes Memorial Hospital, Providence Hospital, Air Force, at University of Santo Tomas.
Doug and Chesca Kramer
Sina Doug at Chesca Kramer, kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin, ay nagbahagi ng kanilang blessing sa frontliners.
Meals
Ayon kay retired basketball player na si Doug, nagpadala sila ng packed meals sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Hinikayat din niya ang kanyang followers na magbahagi ng tulong sa ating health workers.
Angel Locsin and Neil Arce
Si Angel Locsin at ang film producer na fiance niyang si Neil Arce ay agad ring nagbahagi ng tulong.
Sleeping quarters
Nanawagan si Angel sa mga kapwa niya artista at sa publiko na mag-donate ng kanilang taping beds or folding beds para ihatid sa sleeping quarters sa frontliners.
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Ang bagong kasal na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay nagbahagi rin ng kanilang tulong sa pamamagitan ng paglunsad ng online fundraising campaign.
Food and supplies
Mula sa nalikom nilang donasyon, nakapagbahagi sina Mr. and Mrs. Gutierrez ang medical supplies at pagkain para sa higit na nangangailangan ngayong may enhanced community quarantine.
Heart Evangelista and Governor Chiz Escudero
Tuluy-tuloy lamang ang serbisyo nina Heart Evangelista at Governor Chiz Escudero sa Sorsogon .
Donations
Sabi ni Heart, "Mahal Kong Sorsogon, help is coming and the next batch is already being prepared."
Joyce Pring and Juancho Trivino
Ang Kapuso couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino ay agad ring naghatid ng tulong sa medical workers.
Coffee
Naghatid ng mga kape sina Juancho at Joyce para sa mga doktor at nurse sa mga hospital.
Chito Miranda and Neri Naig
Kilala rin sa industriya na may mabubuting puso ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito at aktres na si Neri Naig.
Employees
Ayon kay Neri, nagbigay sila ng food allowance sa kanilang mga empleyado habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Dingdong Dantes at Marian Rivera
Naghandog sina Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng pagkain para sa mga COVID-19 frontliner sa Quezon City General Hospital.
Favorite recipe
Ayon kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang paborito nilang menudo, na minana pa ng huli sa kanyang Lola Inkang, ang inihanda nila sa mga frontliner sa Quezon City General Hospital.
Mikael Daez at Megan Young
Bilang tulong sa mga medical frontliners na araw-araw nakikipaglaban sa COVID-19, personal na gumawa sina Kapuso couple Mikael Daez at Megan Young ng DIY face shields para sa mga ito.
Solenn Heussaff at Nico Bolzico
Nakipagtulungan sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa #UniTENTweStand campaign ni Angel Locsin na layuning makapagtayo ng mga sanitation tent at sleeping quarter sa mga ospital.
Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
Kabilang din sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa mga personalidad na tumulong sa mga COVID-19 frontliner sa pamamagitan ng pagdo-donate ng DIY face shields sa mga iton.
Puso para sa mga Pilipino
Bilang pasasalamat sa sakripisyo ng mga COVID-19 frontliner, personal na ipinagluto ni Judy Ann Santos, sa tulong ng asawa niyang si Ryan Agoncillo, ang mga ito.