What's Hot

Alden Richards, may regalong house and lot para sa pamilya

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 5:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, sinabing very supportive sa kaniyang career ang mister na si Norman
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



'Ilustrado' star Alden Richards, may maagang pamasko para sa kanyang pamilya. 
By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Isa si Alden Richards sa nakatanggap ng pinakamaraming blessings ngayong taon. Siya ang gumaganap bilang Jose Rizal sa Ilustrado, at kahit huling linggo na ng programa ay natutuwa raw siya sa mga magagandang papuring natatanggap nila tungkol dito.
 
“Dadalin ko na po ‘to hanggang sa pagtanda ko. Kumbaga, magiging part na siya ng history kasi it’s a bayaniserye,” saad niya sa panayam ni Lhar Santiago sa Balitanghali.
 
Sa nalalapit na pagtatapos ng Ilustrado ay magiging busy naman si Alden sa pelikula nila ni Mark Herras, ang Cain at Abel, at ang reality talent search na Bet ng Bayan. Ibig sabihin ba nito ay wala pa rin siyang oras para sa pag-ibig? 
 
“’Yung love life talagang, hindi ko pa siya nakikita. 'Di ko pa nararamdaman, and siguro nga ‘yung priority ko is hindi ‘yun,” pag-amin ng aktor.
 
Nais daw unahin ni Alden ang kanyang pamilya. Sa katunayan, handa na ang kanyang engrandeng regalo para sa kanila.
 
Nakapagpundar siya ng bagong house and lot sa isang exclusive subdivision sa Laguna. Kuwento niya, “Mas malaking rooms, mas maraming rooms for my family. Tapos, two-car garage, corner lot.”
 
Ang gusto ni Alden, sa bagong bahay na sila magdiwang ng Pasko ng kanyang pamilya.