IN PHOTOS: 'StarStruck' alum Kim de Leon and Lexi Gonzales are the new ambassadors of OSHC
Napili ng Occupation Safety and Health Center ng Department of Labor and Employment ang 'StarStruck' alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales bilang bagong ambassador ng kabataan sa pagsulong ng maayos at ligtas na lugar ng trabaho. Tingnan ang nangyaring pagpirma nila ng kontrata sa gallery na ito:
OSH Ambassadors
Dumalo sina Kim de Leon at Lexi Gonzales sa isang mini press conference para kilalanin sila bilang bagong ambassadors ng Occupation Safety and Health Center (OSHC) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Lexi Gonzales
Ayon kay Lexi Gonzales, ang First Princess ng 'StarStruck' Season 7, isang malaking karangalan para sa kanya ang maging ambassador ng kagawaran lalo na't makatutulong itong magtaguyod ng isang maayos na lugar para sa mga empleyado sa Pilipinas.
Kim de Leon
Dagdag pa ni Kim, nire-represent nilang dalawa ni Lexi ang mga kabataan na magsisimula pa lamang sa trabaho. Ngayong 20 anyos na ang 'StarStruck' Ultimate Male Survivor, magagamit raw niya ang kanyang mga natutunan para mas maging maalam sa mga dapat gawin tuwing may emergency.
DOLE at OSHC
Nakasama nina Kim at Lexi sina (from left to right) Noel C. Binag, CE ang Assistant Director ng Occupation Safety and Health Center, Mark Samblan ang PR Manager ng GMA Artist Center, DOLE Undersecretary Benjo Santos M. Benavidez, at DR. Brenda Viola Assistant Vice President of Medical Services Division ng SSS.
Gantimpala
Binigyan ng gantimpala ang dalawang 'StarStruck' alumni ni DOLE Undersecretary Benjo Santos M. Benavidez.
Contract Signing
Pumirma rin ng kontrata sina Kim de Leon at Lexi Gonzales na nagpapatunay ng kanilang paglahok sa DOLE at OSHC.