GMA Logo Akusada, Andrea Torres, Lianne Valentin, Benjamin Alves
What's Hot

Andrea Torres, at iba pang 'Akusada' stars, susulitin ang quiet time ngayong Holy Week

By EJ Chua
Published April 16, 2025 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Akusada, Andrea Torres, Lianne Valentin, Benjamin Alves


Focus muna sa pamilya ang 'Akusada' stars na sina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Lianne Valentin ngayong Holy Week break.

Taking time off work muna ang peg ng ilang Kapuso stars ngayong Holy Week.

Kabilang sa mga ito ang cast members ng upcoming suspense drama na Akusada na sina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Lianne Valentin.

Related gallery: The cast of suspense drama 'Akusada'

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago, nakakwentuhan niya ang tatlong aktor tungkol sa kanilang Holy Week plans.

Ayon kay Andrea, looking forward siya sa quiet time kasama ang kaniyang pamilya.

Sabi niya, “Sa Manila lang kami, Visita Iglesia. Ano lang talaga, quiet time.”

Ang kanya namang co-star na si Benjamin, ibinahagi ang plano nilang pagta-travel abroad ng kaniyang asawa na si Chelsea Robato.

Pahayag ni Benjamin, “Ako rin po quiet time sa Taiwan. Sa Taiwan po kami ng wife ko for fews days. Good Friday we'll be here na.”

Ang Sparkle actress na si Lianne Valentin naman ay tila excited din na maka-bonding ang kanyang pamilya.

Ako rin dito lang po kami sa Manila sa house lang. Talagang tine-take time rin namin 'yung family time every Holy Week. It's quiet, wala masyadong tao,” sabi niya.

Samantala, matatandaang idinaos ang story conference at script reading para sa upcoming suspense drama noong March 24.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Akusada ngayong 2025 na, sa GMA Afternoon Prime.