Josh Ford, sobrang affected sa paglabas nina Charlie Fleming at Kira Balinger sa Bahay ni Kuya?
Ikinalungkot ng maraming Pinoy Big Brother Celebrity Collab Editon viewers at fans ang pagka-evict nina Charlie Fleming at Kira Balinger sa Bahay ni Kuya.
Bukod sa mga manonood, naapektuhan din ang Sparkle housemate na si Josh Ford sa paglabas nina Charlie at Kira sa Bahay ni Kuya.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Ang bagong evictees ay sobrang malapit sa puso ni Josh at itinuturing pa ng huli na kaniyang safe space at mga tunay na kaibigan sa iconic house.
Matapos ang naging resulta ng ikalawang eviction night, ipinatawag ni Big Brother si Josh sa confession room.
Sabi niya kay Kuya, “Parang may nawala po talaga sa akin eh. Normally, I always speak to Kira [Balinger] and Charlie [Fleming] when I'm upset, if I'm angry, if I'm happy.”
“Sila 'yung palaging nasa tabi ko, nakakapanibago,” pahabol pa Survivor Lad ng United Kingdom.
Samantala, matatandaang ang unang nagpaalam sa teleserye ng totoong buhay ay ang duo nina Ashley Ortega at AC Bonifacio.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.